Friday, March 18, 2005

vacation!

start na nang vacation namin ngayon...

haay... tapos na ang paghihirap... tapos na rin ang pag-gising ng umaga... pwede na uling magpuyat!!!!

haayy.. kwento ko na lang yung nangyari kahapon... CONVO namin...

kahapon.. maaga akong umalis sa bahay.. kahit na maaga akong umalis.. na-late pa rin ako!!!! buti na lang maaga akong umalis!!!! soooooobbbbrrrraaaannnggg traffic!!! nagstart na yung mass nung dumating ako... pagkatapos nung recognition... nagpunta kami sa bahay ni KAROLA...kasama ko si MIA & KAROLA, pumunta muna kami sa 7-11... bumili na kung anu-ano... tapos nun, punta na kami sa bahay nila.... sumunod sa min sila MARJ & JEZELL... kwentuhan lang kami dun at walang katapusan na kainan... pumunta rin kami ni MIA sa mcdo.. pinuntahan namin si PUNGGAY pati yung kapatid niyang si GELINE... kwentuhan uli dun... habang kumakain si GELINE... pagkatapos niyang kumain alis na rin kami agad... Balik uli sa bahay nila KAROLA... ang daya nilang tatlo... nagpicture taking sila... E, di.. siyempre, bago umalis picture uli... di kami nakasama ni MIA eh... kung anu-anong pinaggagawa namin... 9:00 na kami umalis ni JEZELL...naiwan dun si MARJ kasi dun daw pupunta ang kanyang ate na si ANGIE... habang kami'y naglalakad... kami pa rin ay nagpipicture-picture... kahit sa hanggang pagsakay ng tricycle... habang nasa loob ng jeep... katext ko si KAROLA, PUNGGAY at si patrick... buti na lang katext ko sila... Ang boring dun sa loob ng sasakyan sobra!!! pagkatapos ng mahabang biyahe..... nakauwi na rin ako... 10:30 na ata ako nakauwi eh.. pagdating sa bahay.. palit ng damit.. at ginawa ko ang aking "daily habit"... pagakatapos nun.... higa na ko sa kama habang nanunuod ng TV, text pa rin ako ng text... ADEEK na ko sa text!!!! yung sun kasi eh....
yun.. ang nangyari kahapon.... haaayyy....
cge.. bye na...


adik. bangag. sabog. blanko.. baliw!
12:17