Friday, March 11, 2005

poems namin.:)

YES!!!

after 10 years... ngayon na lang uli ako nkpagpost..........

anyway... kahapon gumawa kmi ng tula pati kanina.. ipopost ko ah...

ito ung kahapon...

TAO

Meron akong nakilala
Babaeng sobrang nakakatuwa
Ang ngalan niya ay MIA
Mahal ko siyang talaga!

Adik sa text
Pati na rin sa kompyuter
Nakakaaliw siyang talaga
Ang ngalan niya ay KAROLA.

Isa pa 'tong adik sa text,
HANNA ang ngalan niya
Sim card niya'y dalawa
Nakakamangha talaga!

Meron pa'ng isa
Si PAULA'ng ubod ng ganda
Payat ang katawan niya
Ngunit sa lupa'y sumasayad ang paa.

Isang "FASHIONISTA"
Pink ang paborito niya
Maraming naghahabol
JEZELL, oh 'kay ganda talaga!

Si MARGA naman
Makata talaga
Kay ganda ng mga t-shirt niya
Ang sarap mang-arbr ng isa.

MICH na magaling manipa
Kahit sino'ng iharap mo
Sigurado'ng tutumba siya
Mag-ingat lang kayo magaling ata ito!

Si JERI MAE, isa pang fashionista
Kakaiba ng mga suot niya
Mamamangha ka!
Oh kay ganda talaga!

May seryoso rin sa 'kada
At siya naman si VANESSA
Walang paki sa iniisip ng iba
Sa kkikayan, humanda ka!

Oo nga pala,
Meron pang isa,
Siya ang hari ng 'kada
Siya'y si FRANZ wala ng iba pa.

Ordinaryong mga nilalang
Mga kaibigan kong tunay
Humanda kayo!
Mundo niyo'y gugulo
Pag sila'y nakilala niyo!


-BIANCA-



Ito naman yung kanina...

BOHR...

Sa dami-dami ng makikilala
Bakit siya pa?
Parang bangungot
Natalagang nakakayamot.

Isang nilalang
Na talagang hibang
Na di na maintindihan
Ang kanyang kaanyuan.... (YUCK!!!)

Napakaganda niya sa paningin ng iba
Pero alam mo ba kung sino-sino sila?
Sa kanilang probinsya- Babuyan island ang tawag
Siya ang reyna- wala nang iba...

Mayroong mukhang bilugan
At napakaliit na talampakan
May malaking harapan at likuran
Di proportioned ang katawan... (EEEWWW!!!)

Dahil sa kanyang kaanyuan
Lahat ng tao ay naapektuhan
Dahil sa taglay niyang kagandahan
Mga tao'y nagpatayan...

Sila'y lubhang nahihirapan
Sa sitwasyon na kinalalagyan
Kailangan nang pigilan
Reyna ng Babuyan.

Nag-iisang BOHR ng bayan
Kailangan nang parusahan
Upang paghihirap ng bayan
Ay maibsan!

Tayo nang magtulungan
Sugpuin yaring kalaban
Ngunit tayo'y mahihirapan
Dahil sa kanyang kalakihan...

Buong bayan ay nagtipun-tipon
Tila may isang rebolusyon
Lahat ay magsihanda
Madugong labanan ay nariyan na!

Kailangan ng matapos
Ang ating paghihikahos
Ating igapos
Ang baboy na musmos!!!!

-PAULA,VANESSA,MICH-

haay... kung kilala niyo man siya.. sensya na.. talagang may kasamaan lang ako...

Nag-test nga pala sila kanina... tapos kami.. hay, grabe! todo praktis... buti na lng walang pasok bukas!!! YES!!! haay.. naibigay ko na rin yung mga PALANCA letters ko para sa mga 3rd year.. kasi naman pinghiwalay pa yung retreat namin.. sige hanggang dito na lang...


adik. bangag. sabog. blanko.. baliw!
09:54