Wednesday, April 06, 2005
adik na ko.
Alam niyo ba ang lungkot ko ngayon... haayy... Bakit ba kasi ako nagkakaganito eh... Bwisit! Kagabi di ako makatulog ng maayos... Kakaiba na 'to ah... Malala na ko!!!! Adik ata ako eh...
Kanina maaga akong nagising kasi maaga rin akong natulog tsaka di nga kasi ako makatulog ng maayos... Nakakapanibago nga eh... Ang unti ng mga messages ko kanina nung paggising ko... Di ako sanay!!! Haayy... Maaga akong nagising pero mga 11:30 na ko lumabas ng kwarto... Nag text muna ako... Adik na rin ako sa text... Kaso mababawasan na ata yung pagka-adik ko eh... Pagkagising ko kalapit ko yung kapatid ko... Nanunuod ng T.V... Susyalan! sa kwarto ko pa nanuod... pagkamulat na pagkamulat ng mata ko sabi niya... "Patay na si MAYOR!"... Close siguro sila kaya ganun yung kapatid ko... Pagkagising ko palang bad news na! Yung kapatid ko wala sa timing... Haayy... Condolence na lang....
Kanina, wala akong ginawa kundi magtext.... Si JEZELL lang yung katext ko kaninang umaga tapos si MIA nagtext... Buong araw sila katext ko, Tapos ngayon si BIANCA katext ko naman siya... Kahit 12:30 am na... Di nanaman ako makatulog... Kulang kasi yung araw ko eh... bakit kaya ganun noh.... Buhay nga naman... Lagi na lang akong malungkot ah... Kanina nga katext ko si MIA sabi nga niya... Magiging masaya naman daw ako... kaso ang tanong KELAN... Sana maalis na 'tong lungkot... Nasa palitan na ni saya... Nagtraining din ako kanina... Parang dun ko nailabas yung mga lungkot na nararamdaman ko... Kaso, kulang pa rin eh... kahit pinipilit kong magpaka-busy... Ganun pa rin eh... Walang pagbabago.... Bawat sipa na ginawa ko kanina nararamdaman ko yung lakas.... Kahit yung naghahawak ng kickpad... Nafeel niya rin... Kasi naman eh... basta.... kelangan kong maging masaya ngayong summer... kahit na di ako makalabas ng bahay... Kelangang mag-enjoy.... pero, pano ko kaya maeenjoy 'to kung ganito yung nararamdaman ko... habang tintype ko 'to.... sound trip din.... nakakarelate ako sa kanta... Promise! di ko na lang sasabihin yung title... kakapagod ngayon ah...
Birthday nga pala ng aking tita... alam niyo ba, pagka-uwi ko galing taekwondo... Parang piyesta dito sa bahay... Ang daming tao... soobbrrraaa!!!! Buong barangay ata nakicelebrate sa tita ko... Kahit namatay na yung mayor dito masaya naman silang naki-birthday... Wala akong masabi sa dami ng tao!!! Daig pa nung tita ko yung nagdedebut sa sobrang dami ng bisita niya...
Kelagan ko ng magpaalam.... magpopost pa ko dun sa blog namin... sabi kasi ni BIANCA magpost daw ako... e, di magpost... No problemo!
Bye!!!!
adik. bangag. sabog. blanko.. baliw!
11:17