Wala namang nangyaring maganda sa 'kin ngayon... Lagi na lang... Kasi naman wala akong ginawa kundi mag-text, matulog (the best yun!!!!), manuod ng T.V... Haaayyy, sarap buhay ako... Medyo maaga nanaman akong gumising.... Pag-gising ko, wala yung mga kapatid ko.. Nagpunta pala sila sa mga pinsan ko... Kaya tahimik, walang nang gugulo... Kagabi, nakagawa nanaman ako ng tula... Di ko na lang ipopost... Sa susunod na lang siguro....
Haaayy... Pansin niyo ba yung mga numbers na nilalagay ko... Yung 22, tapos, yung oras ko laging 8:17... Kasi ganito yun... Hmmm.... Bakit nga ba?!? Sa totoo kasi..
22... Kasi, March 22, 2005, tapos yung oras sa phone ko... 22:08... May nangyaring maganda sobra!!! Kasi yung bestfriend ko, pumunta sa bahay namin nun... Medyo memorable kasi unexpected yun tapos nung pumunta siya sa bahay... May dala siyang 11 pcs. ng red roses at 11 pcs. ng white roses... Peace offering daw niya yun sa 'kin.. Kasi inaway niya ko!!! Walang kwentang bestfriend!!!! Kaya yun... Tapos, kaya naman laging 8:17 yung oras ko kasi nga... 8 ung favorite number ko tapos yung 17 naman kasi favorite ko si RACELA...
Bakit ko ba nakwento 'to... Wala kasi akong masabi eh... Sayang naman yung pag-iinternet ko kung wala akong gagawin di ba... Kung tatanungin niyo kung sino yung bestfriend ko.... Nabanggit ko na yun... Basahin niyo na lang...
Bye na!!!! may training pa ko... Late nanaman ako... Isa talaga akong PASAWAY!!!!
BYE!!!