friday ngayon.
haayy. grabe talaga pag-friday. nakakapagod. as in sobra!
kanina, nag-futsal nanaman kami, ang saya talaga pag-futsal. kaso, kanina. nag-dive ako. kaya, pilay!!! nakaka-asar. buti na lang nakapag-roll ako. kundi, yung mukha ko yung nauna. meron akong isang malupeeet na bukol sa tuhod! grabe! ang sakit talaga. di tuloy ako makalakad ng maayos! takte! asar. haayy. excuse pati ako sa P.L. kanina. pati si
MAE at
KAROLA excuse din. mga nahihilo DAW. e, nakikipaglaro pa nga sila. haayy. talaga naman yung dalawang yun oh. mga PASAWAY! ayaw mag-P.L.. tapos di ako maka-relate sa pinagkwekwentuhan nila. daya niyong dalawa!!!
habang nasa form sila. kaming tatlo nandun lang. nakaupo. yung dalawa nag-kwekwentuhan. samantalang ako, may hawak na yelo at nilalagyan ang aking malupeeet na bukol. haayy. tapos, itong si
MAE. nasa tamng trip nanaman. humingi sa 'kin ng maliit na yelo at nilagay sa likod ni
BIANCA. kaso, di siya nagtatagumpay. laging sumasabit sa buhok ni
BIANCA. hehe. grabe talaga yang si
MAE!!!!
pagkatapos, punta kami ng mcdo. kasama ko yung PINAKAMAMAHAL KO.
birthday nga pala ng aking napakabait na kapatid.
HAPPY BIRTHDAY ELLAINE!!!
naks! bianti ko kapatid ko. himala ito. yun, nagpakain siya kanina. di pala siya. yung nanay ko pala yung nagpakain. pumunta yung mga friends niya. at nagpakasaya sila dun. habang ako. nagtetext lang! adik e!
sige, hanggang dito na lang. bye!!!