after 221708 years. ngayon ko lang naisipan mag-post. bakit nga ba? dahil sa. wala na kong magawa dito sa bahay. dahil sa bakasyon na. dahil sa boring talaga dito.
malapit ng mag-22. MARCH 22.
1st year anniversary na namin. tagal na noh? kahit laging may problema. nag-susurvive pa rin naman.
kanina. bago ko maisipang mag-post. nag-babasa ko ng mga post ng ibang tao sa kanilang mga blog. dahil dun. nag-post na ko. umandar lang ang kaspedan ko. tsk.
ano ba talagang topic ko? ano??
naisipan ko. ang GIRL- to-GIRL RELATIONSHIP.
bakit?? kasi. ewan. gusto ko lang magbigay ng OPINION. sarili kong OPINION!!
um. madaming may ayaw. madaming tutol. madaming umiiling pag nabanggit ang GIRL- to-GIRL RELATIONSHIP. tama naman di ba? at alam ko. pati IKAW. tutol. oo. IKAW. ikaw nga.
wag ka ng mag-deny. alam ko na naman yun.
biblically. bawal. di tama. mali sa mata ng DIYOS. yun naman madalas nilang sinasabi diba?? pero. wala naman talagang RULES pagdating sa "love". tama ba? kung mahal mo. iisipin mo pa ba yung MALI at TAMA? e. mahal mo nga di ba? lahat kaya mong gawin para sa kanya.
open ako sa ganitong bagay. dahil sa tinagal-tagal ng panahon. nalaman ko na yung mga sagot sa mga tanong ko.
aaminin ko. involve ako sa GIRL- to-GIRL RELATIONSHIP. oo. tama ang nabasa mo. may ka-on akong babae. at proud ako dun. proud ako sa kaniya. di ako nahihiyang sabihin yung totoo. kasi. mahal ko siya. mahal na mahal. di ibig sabihin na may ka-on akong babae. e. tibo na ko agad. babae po. boyish ako. aminado talaga ko dun. pero. di ako tibo.
bat kaya daming nandidiri? e. wala namang nakakadiri. may makita lang na magka-hawak ng kamay na dalawang babae. kadiri na agad? magka-hawak lang yun ng kamay!! e. bakit pag yung babae at lalaki nakita niyong nag-ffk? bat di niyo pinandidirihan? e. mas kadiri naman yun di ba??? di ba??
minsan nga. pag may nagdedebate. kung payag sa same sex relationship. minsan. gusto kong sumabat. maki-epal. gusto kong sabihin sa madla. na para sa 'kin walang masama. dahil wala naman silang ginagawang masama. oo. may mali. maling mahalin ang isang katulad nila ng kasarian. pero. di naman nila mapipigilan yun e. pag nagmahal ka. mararamdaman mo na lang yun. mahirap balewalain kasi iba yung mararamdaman mo!! pero. siyempre. di ko masabi sa kanila. kasi. di naman sila open tulad ko. di nila ko maiintidihan. di nila makukuha yung gusto kong sabihin. parang ngayon. siguro iniisip mo kung bat tungkol dito yung post ko. wala namang pakialamanan di ba? blog KO to. ibig sabihin AKIN to. pwede kong ilagay kung anong gusto ko. walang makakapigil. dahil pag may pumigil. baka di mo ko kayang tiisin. kaw pa tong maabala sa kin.
kung ikaw. di mo kayang aminin. express your feelings pare. don't hide. pag yan nabunyag ng iba. mas lalo kang masasaktan. do you get it?
nasa sa'yo rin naman yan. kung ayaw mo. wala nang magagawa yung iba tao. kasi nga. BAWAL para sa iba di ba?
salamat sa mga nakakaintindi. tao lang naman po kami. talagang napamahal lang sa isang taong kauri namin.
ito yung opinion ko. walang masama dito. paalala ko lang. blog KO to. tandaan mo.