Thursday, March 23, 2006
happy anniversary!
22 na.
happy anniversay! happy nga ba?
haay.
alam niyo ba. anniversary namin ngayon. 1 year na kami. ayos. sana. tumagal pa kami. sana lang talaga. kahit na. lagi kaming may away-bati session. tampuhan mode. problem session. at iba't ibang klase pa ng mode at session. tsk.
kanina 3 AM na ko natulog. nanuod lang. nagtext hanggang sa makatulog. tas. 9:30 AM ako nagising!! grabe. ang aga nun a! asar. kulang na kulang yung tulog ko. tsk.
pagkatapos kumain. nagcharge ako ng phone. nagtext sa mga tao.
dumating yung pinsan kong 3 years old na si E.C. naglakad kami papunta sa court. dala niya yung maliit niyang bike. ang liit talaga! pang kanya lang! nagpunta kami dun. kasama ko yung dalawa kong tito. tsaka si ellaine. ang pinaka maarte at malanding kapatid ko. nagbasketball kami. tas yun. laro-laro hanggang sa mapagod. pag-uwi. naka motor kami ni ellaine. inangkas ko siya. kahit na sobrang lapit lang ng bahay namin mula don.
pagbalik dito. pahinga. ang init. soobbra!!! kanya-kanyang tapat sa electric fan! hehe. nag-laro lang ako maghapon ng WAR CRAFT. wala akong katext kanina. iniintay ko lang yung text NIYA. kaso. wala. haay. anniv namin. tas ganun. huwow!!! di naman ako makatulog. kasi nga. napaka init!! iyon. humiga ako sandali. kaso. di talaga ko matulog e. kasi naman. ang ingay nung kapatid ko. grabe!!! nakakaasar! yan tuloy. bwisit.
wala nang battery yung phone ko. nasa tito ko yung charger. pano na kaya yung mga katext ko. pano ko sila marereplyan. langya! asar talaga. pano ko na matetext yung mahal ko. grr. badtrip naman o. haay.
mag-12 na. di pa rin ako inaantok. kahit na ang aga kong nagising kanina. di naman din ako nakatulog kanina. haay. bat kaya? tsk! sana naman. late na kong magising bukas. sana talaga. pero. magbabasketball kami e. ewan. bahala na nga.
namromroblema talaga ko. wala akong charger. waaa!!!! di pwede to! di pwedeng walang phone. HINDEEEE!!!! haay.
boring na araw.
gusto ko nga palang magpasalamat dun sa mga taong nag-greet sa min. maraming salamat. lalo na sa aking pare. si MARIA MAJA BIANCA CORPUZ ABEJUELA. salamat talaga p're. hehe.
haay. ang ganda ng mga songs ng SHAMROCK. noh? ganda nung mga meaning nung kanta nila. lalo na yung "ALIPIN". hehe. ganda. senti? hehe. astig talaga. haay. kung di kayo nagagandahan. pakinggan niyo kasing mabuti. para malaman niyo yung meaning!!!
kanina. magkatext kami ni SYL. sana. matuloy yung binabalak namong gawin ngayong summer. sana lang talaga!!
may alam ba kayong resort na maganda. onti lang yung pumupuntang tao. di masyadong malayo at higit sa lahat. MURA!! hehe. ang alam ko kasi. malalayo e. kaya to. di ko lam kung saan ako pupunta. haay.
dami kong gustong gawin. mag-taekwondo. mag-futsal. mag-bartending!!!! haay. may matutuloy kaya. siguro yung taekwondo pwede pa. pero. sana. di ako unahan ng katamaran. tsk. wala akong balak na mag-review classes. wala pa talaga. do ko lam kung mag-rereview classses ba ko para sa mga entrance exams o hindi na. haay. bahala na nga.
okay. pupunta na ko sa grad. sa 24. may kasama na ko. sigurado na kong kasama ko si JOY!! hehe. iyon.
katamad naman. wala akong charger. f**k!! asar. di ako sanay ng di nag-tetext. argh. parang kanina lang. 5 yung katext ko. tas ngayon. wala na. haay. badtrip.
yan. medyo antok na ko. wala naman kasi akong ginagawa. pano ko di aantukin nito!
tumawag yung mahal ko! ayos! matutulog na daw siya. haay. kulang nanaman siya sa tulog. tsk! kasi naman e. may pasok pa sila. yan tuloy!
haay. antok na ko. tsk. okay? good night.
*wag niyo na lang pansinin yung oras. mali yun! hehe.
*sorry dun sa mga katext ko na di ko na nareplyan. wala na kong battery e!
*salamat uli sa mga nag-greet.
HAPPY ANNIVERSARY SA 'MIN!!!!!!!!!
adik. bangag. sabog. blanko.. baliw!
00:17