um. sobrang boring at napakabadtrip nitong araw na to. pati narin pala. sobrang init. iyon.
um. boring. kasi. wala akong ginawa. tapos. tinopak pa yung GLOBE kanina. walang signal!! langya yan. di pati ako makapag-text. tapos. may sermon pa ko. telebabad na lang daw ako ng telebabad. bwisit.
di ko na namalayan ang oras. nakalinutan ko. may training nga pala ako ng taekwondo. nagmadali ako. kumain ng lunch. naligo ng mabilisan. nagbihis. at go. alis na agad.
pagdating ko dun. onti lang silang nag-prapractice. 4 lang sila. tapos yung mga bago pa. tsk. medyo boring pagdating ko. pero. okay lang naman. nirefresh ko lang yung sarili ko sa mga "poomse" [forms sa taekwondo]. sobrang daming nagbago. ang hihirap!! nakakapeste ng araw.
pagkatapos nun. sipa ng onti. tapos.... KABOOOM!!!!!!! inatake nanaman ako ng t***i*ang hika!!! di na ko nakasali. kasi. di talaga ko makahinga. edi. hinatid na ko pauwi. pagdating dito. nagpadala na ko sa ospital. iyon. nilagyan nanaman ako ng oxygen. nebulizer din. nangati pa ko!! bwisit talaga!! argh.
iyon. um. di naman dapat iyon ang topic ko e. nailagay ko lang. um. topic ko. um. topic ko? di ko nga alam e. may popost na lang akong poem. wala lang. naisipan ko. matagal na to. pero. kahit na. pag-tiyagaan niyo na lang.
importante ang bawat saglit.
Habang patuloy na umiikot ang mundo,
Pati oras ay di humihinto,
Bawat segundo may nagbabago,
Di mo rin naman masasabi kung anu-ano ang mga 'to.
Pano kung pag-ikot ng mundo,
pagkalipas ng isang segundo,
Sabihin niya sa'yo,
ang mga salitang di mo gusto.
May magagawa ka pa ba o sa tabi na lang,
mag-iisa? ang hirap at ang sakit di ba?
Dahil sa isang segundo at dahil sa pag-ikot ng mundo,
Pwede siyang mawala sa'yo.
Pero, hahayaan mo bang mangyari yun?
ang masaktan na lang ng ganun-ganon?
wag kang magpadala sa emosyon mo,
Dahil din sa isang segundo maaring magkabalikan kayo.
Importante ang bawat ikot ng mundo,
Importante ang bawat segundo,
Gamitin nang mabuti,
Dahil ito'y di na kayang ibalik sa dati.
Habang maaga pa,
Ibigay na ang lahat sa kanya,
Basta't para sa kanya,
wag ka nang magtanong pa.
Di ba't siya'y mahal mo?
Ngayon, patunayan mo,
Eto na ang pagkakataon mo,
Para sabihing, siya lang ang buhay mo.
o, pano?
Ayos na problema mo?
Ngayon, may nakikita na kong mga ngiti sa mata mo,
Ako kaya, kailan sasaya tulad mo....