Wednesday, March 28, 2007
'bwiset ka.' - syet naman..
haaaaaaaaaaaaaaay. wala na nga akong ginagawa. nasabihan pa ko ng 'bwiset ka.'. wow mehn!
anong problema mo ha? ano? sabihin mo nga! tangina ha. nananahimik ako dito tas sasabihan mo ko niyan. langya. kahapon 'whatever'. tas ngayon naman 'bwiset ka.'. tangina. ano kaya yung bukas? leche.
sinabi ko naman sayo na di kita tetext ngayon a. sinabi ko yun para naman di ako makaistorbo sayo o sa inyo. kung sino man yung makakasama o nakasama mo.
nagmiss call naman ako sayo a. para malaman mong nareceive ko yung load. doi.
haaaaaaaaaaaaaaaaaaaay. lam mo ba kung bat ako ganito? lam mo ba kung bat di ako nagtetext sayo? malamang hindi. malamang di mo alam na SIYA yung dahilan. pano mo naman malalaman? e di ko naman sinasabi sayo. tsaka malamang kababawan lang to para sayo.
onga pala. wala na kong karapatan sayo. pasensya lang. nakalimutan ko wala na nga pala tayo. sensya na ha? wala ako sa lugar. di tama to. pero anong magagawa ko? di ko naman maiwasang masaktan. di ko maiwasang maging ganun sayo.. di ko naman pwedeng sabihin na uyy. nasasaktan ako. wag kang sumama sa kanya. di naman pwede di ba? sino naman ako para sabihin yun sayo? wala. sus!
malamang din. di mo alam kung bat ako nasaktan. MALAMANG!! doi. gusto mong malaman? simple lang naman.. to sabihin ko na sayo. kasi di ko naman masasabi pag nagkausap o nagkatext tayo. ganito lang yung pinaka simpleng explanation na magagawa ko.. intindihin mo nalang kung medyo magulo. pasensya.. di ko na sasabihin pangalan nung kasama mo o nakasama mo. tatawagin ko na lang siyang mr. bastos. kung may mr. smooth at mr. brightside ka.. dagdag mo na si mr. bastos dun. okay?
o eto na.. basahin mo..
si mr. bastos kilala ko na simula 1st year palang kami at lam ko na kung anong ugali niya. isang hambog. mayabang. puro hangin at kabastusan ang laman ng utak. in short walang kwentang tao. sorry sa sinabi ko. pero yan ang totoo. sabihin na nating mabait siya sayo. pero lam mo ba na pinagyayabang ka niya kung kanikanino? tipong kiss and tell ang dating pare. alam mo ba yun? malamang hindi diba? at alam mo ba na..
ang dami kong narinig na kung ano-ano dahil sa sinabi ng IBA sa kin. (di naman madami pero may mga sinasabi sila na putanginang nasaktan ako para sayo. gets mo? ha??) haaaaaaaaaaaaaaaaaaay! (hinga lang ako.) mga comment nila na di ko alam kung anong irereact ko. kilala KITA. alam mo yan! lam kong HALOS lahat alam ko sayo. kaya anong ginawa ko nung narinig ko yun? wala. tumahimik nalang ako at pinagtanggol ka. sinabi ko nalang ha? ano ba. kilala niyo din siya. wala lang yun. sus. pero sa loob ko. ang sakit tsong. parang gusto kong sumigaw sabay tagay. napatagay nga ako nung sinabi sa kin yun e. tangina naman kasi.
ang sabi ni mr. bastos sa KAIBIGAN KO ganito..
mr. bastos: oy! nagpunta sa bahay namin si ano kahapon!
KAIBIGAN KO: oh?? parang kakahingi mo lang sa kin ng # nun kagabi a!
gets mo? lam mo ba kung anong naging reaction nung KAIBIGAN KO sa loob loob niya nung nalaman yun? ha??? yung MGA kaibigan ko na nagmamalasakit sa kin. sayo. at sa relationship natin yung nagsabi sa kin. tangina. isipin mo naman yung sinabi ni mr. bastos. talagang pinagmayabang pa niya na pumunta ka sa bahay nila. tangina. kahit na alam ko na yun. at alam kong kasama mo pa si... e iba yung pinarating ni mr. bastos e. lamo yun ha!!! buti nalang wala pa ko nun at mismong di sa kin pinagyabang ni mr. bastos yun dahil kung sa kin. kahit wala na tayo. isisigaw ko sa pagmumukha niya na to: PUTANGINA MO! YANG PINAGYAYABANG MO! GIRLFRIEND KO! ULOL!. lamo ba kung anong gusto kong iparating at ipaintindi sa yo? nakuha mo na ba?? leche!! kapakanan mo iniisip ko! sarili mo. leche. ayoko na sanang maulit pa to. kala ko naman kasi di na talaga mauulit yun at di ka na sasama ulit dun. kaso mali ako e. kagabi. sinabi mo na maggagala kayo. fine. ano bang magagawa ko? alanganamang pigilan kita. e wala na kong karapatan sayo. sus!
to na lang. pag aalis kayo. sabihin mo kay mr. bastos o itanong mo kung ano ba talagang gusto niyang palabasin? kasi putanginang nasasaktan ako!! leche. ayoko na sanang sabihin to e. pero leche. para to sayo! tangina. kung ganyan lang gusto mo. sabihin mo sa kin. ayoko kasing maging istorbo. kuha mo?
tangina. di ko alam kung ittext kita bukas o mamaya. di ko lam kung anong sasabihin sayo? ayoko namang maging gago. ayokong itanong.. o musta araw niyo?. tanginang kaplastikan yun.
takte. tama na nga to. nga pala. pag nabasa mo na to. wag mo na ulit papaala sa kin. wag ka ng magbabanggit ng kahit ano tungkol dito. hannggang dito nalang to. kakalimutan ko na to. at sana nga. makalimutan ko..
tangina. bye.
adik. bangag. sabog. blanko.. baliw!
19:11