Wednesday, March 21, 2007

grad na bukas.:(

syeeet.

grad na namin bukas. ano na kayang mangyayare sa min nito. haay. sobrang nakakalungkot. lam mo ba yun ha? haaay.

minsan ko nalang makikita yung 'beerkada'. minsan ko nalang makkausap. minsan nalang pala ko tatawa. minsan nalang.. pwede pang maging 'hindi na talaga'.. tsk.

parang ang bilis e noh. parang last week lang. feeling namin sobrang tagal pa ng grad. tas ngayon.. akalain mong bukas na.. haaay.

mawawala na yung 'kyle's day'. wala na tayong movie marathon. food trip. laugh trip at kung ano ano pang trip. tipong kahit 200 lang. nakakapunta pa ng mall para lang makagala. tipong 100 lang yung pera. nakakapag food trip na sa estelliza's. wala na yung bonding session ng bawat barkada. na kahit may kanya-kanya tayong grupo. nagkakasama pa rin tayong lahat. walang nangyayareng mga away o kung ano man. may grupo nga bawat isa. pero naging close naman tayong lahat sa isa't isa. syeet yaaaan.

mamimiss ko yung mga yun. lalo naman yung mga pangungurot ko sa mga tao. na laging pumapasa. yung mga kagatan. pitikan. barahan. haaaaay.

wala na sigurong makakatalo sa batch namin pagdating sa paingayan. pakulitan at pagiging pasaway. wala ng mambabastos sa mga teacher. wala ng magsisigawan pag may nagkklase sa ibang year level. wala na kami. at sigurado nakahinga na mga teachers namin. pero.. haaaay. iba kami sa lahat! kami ang batch na pinaka united sa lahat. 1st year palang kami.. lumalaban na. hanggang ngayon na magccollege na. united pa rin.

maraming nangyare sa buhay namin. di lang ngayong school year na to. pero ngayong school year na to. yung pinakamasayang year. puro iyakan tong year na to e. tsaka puro kodakan. tipong puro pagppose lang ginagawa.

mamimiss ko yung pag epal sa mga pictures. mamimiss ko talaga lahat e. haay. kanina nagmass text si marj. sobrang nakakatouch. sabagay. kagabi pa naman madrama yung babaeng yun!

isang araw na lang. grad na.. makukuha na namin yung diploma namin. aalis na kami sa MISA..

sana di tayo magkalimutan. sana kahit maghiwahiwalay tayo.. nagkakaisa pa rin yung mga utak natin. sana pag nagkitakita tayo. ganun pa rin tayo kakulit. walang pagbabago. sana di mawala yung communication. sana di mawala yung tatak ng batch natin. at SANA DI MATULAD YUNG BATCH NATIN SA BATCH NG IBA.. na di na nagkikita. wala ng pakialam sa isa't isa. sana isang araw. yung buong 48 na yun. susugod sa MISA para isurprise sila MS. LOLIT. SIR BENJO at pati na rin si SIR JP (na kahit ngayon lang namin nakasama. na kahit puro pambabara at pambabastos yung ginagawa namin sa kanya. naging sobrang haba ng pasensya na..).

ano kayang mangyayare sa practice namin mamaya. last day na to. iiyak ba lahat o may magmamatigas?

mga beer. pugad. pugo at yung iba pa.. eto na yung last na magkakasama tayo ng matagal sa school. sulitin na natin lahat. wag na nating sayangin yun.

bye guys.:(

magppost nalang ulit ako mamaya.. para sa beerkada.:(


adik. bangag. sabog. blanko.. baliw!
00:40