Sunday, March 25, 2007

grad party peeps..

ang haba noh. kaya wag mo ng basahin..

wala nanamang magawa..

asar. di ako makapagunlimited. lecheng 3310 to. di tuloy ako makapagtext. haay.

napaka init! as iiiiiiiiiiinnnnnnn! syet naman o.

maliligo na nga lang ako ulit mamaya. kaso nakakatamd naman. kung matutulog naman ako. sobrang init. haay. wala talagang mgawa! putanginang yan. kain lang tuloy ako ng kain dito. leche. ayoko naman kasing manuod. walang kwenta yung mga palabas. haaaaaaaaaaaaay.

kwento ko nalang yung MGA nangyari sa kin simula nung friday..

FRIDAY-SATURDAY (march 23-24, 2007):

nagpunta ko ng antipolo para makipagkita kay ano. kaso di naman natuloy..

binalak ko ng magpagupit tas pakulay na rin. nagpasama ako kay MAIKA. tagal namin sa bazo. tas after nun. sa mcdo.. nung nasa bazo kami. lahat na ata ng tao dun. nilait namin ni MAIKA. kasi naman mga kapansin pansin tao dun. tsk. yan tuloy.. edi yun nga. nagmcdo kami pagkatapos.

tas nagtext si ano. kita daw kami. edi nagkita naman kami. sinamahan ko siya sa parlor. buong araw akong nasa parlor nung friday. tas after sa parlor kain nanaman. syeet yan. tsk.

after nun. mga 8:30 na siguro or 9 pm. tsaka lang ako nakapunta sa CATTLEYA RESORTgrad party kasi namin. ang saya nung grad party. as in! nag-enjoy talaga lahat e. tsk. pagdating ko dun. halos lahat sila nandun na.. pati si sir benjo at sir jp. di ko na inabutan si ms. lolit. sayang naman! tsk.

yunn.. pagdating ko dun. dinala nila ako agad sa kwarto. inabutan ko dun sila BIANCA. kung ano-anong pinaggagagawa e. bangag ampota. di man lang ako inintay o!! madaya. di tuloy ako nabangag nun. tsk.

palit ako agad ng damit tas konting picture picture. nakijoin na ko kila TRICIA. sila precious, sumie, tricia, benjie, josh, sir jp, tsaka jung yung natitirang umiinom dun. sila apa kasi nagswimming na tas pashot shot nalang ng konti. kadiri si apa!! promise. takte talaga yun. ang gago amp. anyway, edi nakiinom ako. tas si hanna nagshot ng isa. takte. ang dami nung ininom niya! baliw talaga yun. tsk. pagkaubos nung granma. gala gala kami. kung san san kami pumunta..

ang tagal dumating ni MARY ANNE. asar. kung san san tuloy kami napunta ni SYL nung wala pa siya. hiniram kasi namin yung motor ni sir jp. kaya yun. hanggang sa bayan ng antipolo. umabot kaming dalawa. tas nagpaturo din si syl kung pano yung sa gear ng motor. iyon. natuto naman agad siya kasi marunong na siya sa scooter. kaya nung pabalik na kami sa resort. siya na nagdrive.. pumunta kami sa bayan para bumili nung pagkain ni VAN. nagpunta kami sa 7-11. mga 11 na ata yun e. tas edi yun. bumili din kami ng dj mix. dun pa kami nakabili sa 7-11 sa may palengke. wala kasi sa mini stop tsaka 7-11 sa bayan.

pagbalik namin. sakto nandun na si MARY ANNE. kumkanta pa ng ZOMBIE. hehe. baliw talga yung babaeng yun. tsk. di ko na pinatapos sa kanya yung kinakanta niya. hinatak ko na agad siya palabas. punta kami dun sa may baba. kwentuhan tas konting yosi.. nun nalang ulit nagkasamang tatlo. last school year kasi. pag may free time. lagi kaming magkakasama. tsk. tas di na yun naulit nung 4th year. tsktsktsk..

tas yun. biglang dumating si tricia. nasira tuloy moment naming tatlo dun sa may humps. tsk. niyaya kami ni tricia dun sa taas. kasi umiinom pala sila dun. kasama si sir benjo. pero orgy lang naman yun e. di nakakabangag. tsk. aliw nun. hehe. si mary anne kasi. sobrang patawa. kaya wala kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa. tsk.

tas pagkatapos ng konting inom. nagswimming na kami. di ko pala masyadong nakasama kada ko nun. hala. halos ang nakasama ko lang talga. si mary anne, syl, tricia, tsaka hanna. di ko masyadong nakakakulitan sila bian. tsk.

tas pagkatapos ng konting swimming. bumili nanaman kami nila tricia ng granma. di namin naubos yun. kasi naman naubos na yung tubig. yan tuloy. di talga ko nabangag e. nahilo lang ng konti. tas wala na. tsk. nagswimming na lang kami dun magdamag.

tas badtrip pa. kasi naman. tinopak phone ko. ayaw mag on tas pag ii-on ko na. bigla namang namamatay. tsk. buti nalang pingahiram sa kin ni precious yung phone niya. kaso. yung katext ko. nakatulog na.. yan tuloy. tsk.

nung mga 3:30 na. naligo na kami ni mary anne tas after nun. hanap ng pwesto kung san kami makikisiksik. tsk. ang adik naming lahat. ang konti lang ng natulog dun sa mga kwarto. kaming 10,(ako, mean, bian, jez, pao, han, mikko, miro, jomi, joselle) siksikan dun sa labas. tsk. mga adik amp. sandali lang akong nakatulog. 1 hour lang ata o 1 hour and 30 mins. basta yun. tas pagkagising ko. yung mga gamit ko. takte. kung san san napunta. nagayos pa tuloy ako. tsk.

nung 7 am na. umalis na kami. pumunta na kami sa mcdo. para mag breakfast. dami namin dun. pati yung boys. sumama magmcdo. tsk. pagkatapos lumamon. alis na.. kaming 3 nila hanna at kevin sabay ng sumakay sa fx. punta kasi ako kila hanna. edi yun. iniwan ko bag ko dun tas punta na kami sa school para magfutsal.

nung nasa school na kami. grrrraaaaabbbbe. ang hhyper. nung wala pa si sir martin. di pa ganun ka-hot yung laro e. parang warm up palang. tas yun. naglaro kami ng futsal. ang saya.. grabe pawis naming lahat dun e. as in! para kaming naligo sa pawis. ang hyper lahat ng 4th year. walang kapaguran e. 2 o 3 hours atang straight na laro yun. tas pahinga kami. siguro 20 mins. tas laro nanaman. 1 o 2 hours straight nanaman na laro. grabbbeee. parang mga nakatira lang e. epekto siguro yun ng chlorine tsaka wala pa kasi kaming tulog nun. kaya ganun kami kahyper.

tas after futsal. balik nanaman kami kila hanna. ligo tas kain.. pagkatpos nun. nanuod kami ng 'she's the man'. pero di namin natapos ni hanna. kasi pareho kaming nakatulog. takte. knock out kami agad e. wala pa sa kalahati nung movie. nakatulog na kami agad. sarap talgang matulog pag pagod tas pag wala kang tulog. tsk.

tas yunn. umuwi na ko. pagdating dito sa bahay. konting pahinga lang. punta naman kami ng kapatid at pinsan ko dun sa cardona. nanuod kami ng mga bands dun. ang boring. pero. ang aastig mag-growl nung mga vocalist. ang lulupeeeeeeeet. tsk. tas yun. tinulugan nanaman ako nung katext ko kagabi. talaga nga naman. di pumunta si lorraine kagabi. di ko lang alam kung bakit. sayang.. tsk.

tas nung 1 na.. pinauwi na kami ng nanay ko. di ko tuloy napanuod yung greyhoundz. sayang naman. asar. kawawa na yug driver namin. inintay kami. tsk. ano kayang ginawa niya nun. di ko kayang mag hintay ng ganun katagal tas walang ginagawa. tsk..

ayy.. nung queso na yung tumutugtog. grabe. ang wwild ng tao. adik. tas may isa dun. kilala nug isang friend ng kapatid ko. sabog na sabog e. bangag ampota. grabe yung security dun. ayaw magpalabas ng mga tao. tsk. pero may nagiinuman dun sa loob. kamusta naman yun. mga adik amp. pero astig talga. tsk. dami ko ngang nakita na mga matagal ko ng di nakikita e. tsk.

haaaaaaaay. may moment ako kagabi e. hehe.. piling ako. syet. pero. moment ko talga yun. tsk.

tama na nga to. tanginang haba na nito e. haaaaaaaaaaaaaaaaay.


bye.;)


adik. bangag. sabog. blanko.. baliw!
23:22