Thursday, April 12, 2007

'bagong buhay.'

tsk.

haaaaaay.

nagpapakabusy ako. nagpapakasaya. nagpapaka ewan lang.. haaaaay. kelangan kong maging masaya. kelangan kong maaliw. kelangang maalis lahat ng hinanakit. kelangang maalis ang nararamdaman na pagmamahal na di ko lam kung pano mawawala. haay. syet yan.

haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay.

kwento ko na lang nangyare sa araw ko.. tsk. gagawin kong kaaya-aya tong kwento ko. para ganahan ako. pati ikaw na nagbabasa nito. okay? mag-okay ka na lang diyan. sabayan mo na rin ng pagtango. para kumpleto ang pagsalo sa sinasabi ko..

kanina.. napaaga ang gising ko. dahil sa ingay ng nanay at kapatid ko. masyado silang ginanahan sa pagkkwentuhan kaya yun. nauwi sa sermonan at hiyawan. para silang aso't pusa kung magsagutan. kaya di na ko magtataka. na ang isang tulad kong tulog mantika. e magigising sa kanila.

pagkatapos kong lumamon ng almusal. nagbihis sandali. nagsipilyo. at nagtanggal ng kung ano-anong kahihiyan na makikita sa mukha.. umalis kami ng tito ko. kasama ang isang batalyon kong pinsan. pumunta kami sa sementeryo. para dalawin ang aking lola. kaarawan niya kasi ngayon. sana lang. wag niya kong dalawin dito. dahil nagiisa ako. baka mahimatay pa ko. di ko matapos tong kwento..

bumalik kami dito sa bahay. ako ay naligo at nag-ayos ng damit para sa swimming namin. pagkatapos ng mga kalahating oras. bumusina na ang tito ko. tas sabay sigaw naman nitong lolo ko. masyado kong girl scout. kaya naman naisipan kong magdala ng source of electricity. sa madaling salita. nagdala ako ng extension. kasi nung pumunta kami dun. may dala akong speakers at mp3. kaso di nga nagamit. kaya para siguradong di masasayang ang effort ko. nagdala na ko. isang extension na 1km ata ang haba. joke lang. exaj lang ako sa lagay na to..

maghapon kaming nagswimming. maghapong kumain. maghapong nagsoundtrip. maghapong nakipaginisan. maghapong nakipagbasaan. at maghapon akong basa. yan ako maghapon. kaya kung iisipin mo kung ano ng kulay ko. pare. tinalo ko pa ata ang black chocolate na toblerone sa itim ko.. exaj nanaman ako. kaya balewalain mo nalang yun.. tsk.

iba ang nararamdaman ko ngayon. habang nilalahad ko ang mga ganitong pangyayare. di lang sa naiinitan ako. di lang sa pinappyestahan ako ng mga kaibigan kong lamok. e eto.. ang hapdi ng mukha ko. tsong. tustado ako! whooo..

habang kami ay pauwi na. lintek ang tawanan. lupet ng hiritan. ganyan ang angkan ko. parang walang mga problema sa buhay. grabehan sa mga imagination na parang di mo iisipin na maiisip nila ang ganun. syempre. sa mga ganung bagay. pinagdidiskitahan ang kapatid ko. sabi ng tito ko sa kapatid ko..

si tito: magpapatayo na tayo ng pool sa likod ng bahay ni lolo. dun sa maay palayan..
kapatid: sige! tama. para naman makatipid na tayo. ayos yun! (ang reaksyon niya ay sobrang nagagalak na tipong lalabas na yung braces sa pagkakangiti. naiimagine mo na ba?)
si tito: madali lang yun. yung tubig. mang gagaling dun sa ilog. o kaya naman. si ellaine. magbobomba ng tubig.. (pansinin ang salitang ginamit. masyadong malalim.. 'magbobomba'.)
kaming lahat: wahehehehehehehe.. bwahahaha.. nyahahahaha.. wakokokokokoko.. (habang naiimagine ang itsura ng kapatid ko..)
kapatid: wahohohohoho. baka lumaki muscle ko nun! (dinemonstrate pa kung gano kalaki yung muscle. kasing laki lang naman ng basketball.)
si tito: ayos lang yun. magiging fit ka. sswelduhan naman kita e. 100 a day. dapat pupunuin mo yung pool. bwahahahahaha..
kaming lahat: wahehehehehehehe.. bwahahaha.. nyahahahaha.. wakokokokokoko.. (habang naiimagine pa rin ang itsura ng kapatid ko..)
si tito: tapos uutusan pa kita. 'ellaine! bilisan mo ang pagbomba. kulang pa ang tubig..'. (sabay demonstrate ang pagbobomba ng mabilis.)
kaming lahat: wahehehehehehehe.. bwahahaha.. nyahahahaha.. wakokokokokoko.. (habang naiimagine pa rin ang itsura ng kapatid ko..)
kapatid: wahahehiho.. baka maging mannerism ko yun. kahit nasa school na ko. gaganun-ganun pa ko.. nyahahehiho..
kaming lahat: wahehehehehehehe.. bwahahaha.. nyahahahaha.. wakokokokokoko.. (habang naiimagine pa rin ang itsura ng kapatid ko..)
si tito: ang matinde dun. pag sasagot ka.. 'mam! ano po yun?' (dnedemo pa rin ang pagbobomba..)
sila na lang ang tumatawa: wahehehehehehehe.. bwahahaha.. nyahahahaha.. wakokokokokoko.. (habang naiimagine pa rin ang itsura ng kapatid ko.. at ako. napatulala na ewan. nagmomoment lang naman. nakatingin sa bintana. sabay kanta ng.. 'totoy tumalon ka. dumapa kung kelangan....... totoy makinig ka. wag kang magpa api..' bigla kong napasabi sa sarili ko na: 'syet! mali yung lyrics sa radyo!'. tsk.)
kapatid: kadiriiii!!!! wahahehiho.. nyahahehiho.. bwahahehiho..

tas biglang nag ring ang cellphone ng tita ko. tas biglang nagkaron ng katahimikan sa loob ng sasakyan. at muntik ko pang maisigaw yung kinakanta ko.. muntik palang naman.. at dun nagtatapos ang kahibangan ng aking angkan..

may swimming nanaman kami sa sabado. ng mga kaklase ko nung elementary. sila ay nagtext at sinabing pumunta ko sa morong agad. kalma lang sila sa pagsabi a. parang ang lapit lang nila e noh. piling ata nila magkapit bahay lang kami. tsktsktsk. dahil sa di ako nakapunta. napagpasyahan na lang nila na ako na magdala ng pampalasing sa min. magdala daw ako ng dalawang drum ng emperador. at tatlong tangke ng red horse. ayos! lasengero na mga kaklase ko. sabi ko. baka kulangin pa yun. magdadala na ko ng gin. para saktong butas mga bituka natin. mukhang masyadong uhaw ang mga yun. kay masyado silang nahhyper sa mga pangyayare. tsk. abala ko kanina. kaya naman nasabi ko nalang na ako ay magtetext sa kanila at wag na nilang asahan na maaga akong pupunta..

kamusta naman yun. ang pinapakinggan ko ay 'lupang hinirang'. syet. muntik na kong mapatayo. tsktsktsk. yan. pinaltan ko ng 'for all of my life'. namaaan. may pinapahiwatig ba? ulol.

tsk. ano pa bang maari kong ikwento. um.. wala na.

hanggang dito nalang. tapos na ang kwento ko.

bye.:)


adik. bangag. sabog. blanko.. baliw!
20:22