Sunday, April 01, 2007

daldal ko ata.

okay.. okay. tsk. wala lang. gusto ko lang mag okay. bat ba? feeling ko kasi. dami kong idadaldal e. lamo yun? nagffeeling kasi ako. madami akong balak na sabihin dito sa post ko. madami akong topic na gusto kong ilagay sa isang post lang. okay.. simulan ko na.. hyper ako! bat ganun? tsk..

um. ano bang una kong lalagay? um. tungkol sa araw ko? pwede din noh.. pero ano bang paki mo sa araw ko? malamang wala e noh. tsk. basta. dadaldal na lang ako. blog ko to e. doi. tsk.

sabi ko nga sa una kong post kanina. nagyaya akong magswimming. iyoon. di ko inasahan na matutuloy. biruin mo. nagyaya ako sa pinsan ko ng mga 1:30 pm. sabi ko lang. 'tara swimming tayo. balik ka dito ng 2:30. sama mo na din ate mo..'. yan lang. um-oo naman agad siya sabay alis. tas nung mga 2:30 na. wala pa sila. kala ko di na tuloy. kala ko inakala nung pinsan ko na nagjjoke lang ako. nung mga 3:30 na. biglang dumating pinsan ko. sabi ko pa. 'oh? bat ka nandito?'. tsk. ang tanga ko. nakalimutan kong kasama nga pala siya. tsk. iyon. sagot lang niya. 'kala ko ba magsswimming? tara na..'. ayos e noh. kala mo prepared na preapared e. pero nung pumunta siya dito.. wala siyang dalang damit. laman lang ng bulsa niya. dalawang mukhang bulok na 20 pesos. san ka pa.. e di pa ko naliligo nun. tsk. pinatawagan ko na sa kanya mga kapatid ko para makasama na rin. edi yun. mga 10 minuteslang andito na agad si ellaine. bilisin ampota. di niya kasama yung bunso kong kapatid. ang gago kasi. sinabi niya daw kay therese na di naman tuloy yung swimming. tsk. baliw talaga yun. tas yun nga. naligo na ko. tas nagprepare sandali. hinintay yung bunso kong kapatid kasi sasama daw siya. iyon. after nung mga 4 na kami naka alis dito sa bahay. five lang kaming nag swimming. ayos noh? basta gusto. go lang. dapat samantalahin ang bakasyon.mawawala na ko dito sa pililla e. tsk. wala na ko dito sa pasukan. kalungkot naman. ulol. medyo malapit lang yung resort dito sa bahay. mga 14 minutes lang. andun na. kung di rough road dun. mga 8 minutes lang siguro. andun na kami. tsk. nandun pala yun sa dulo. tsk. ang masasabi ko lang dun sa resort... um. ayos lang. di pa kasi ganun kaayos e. isa palang yung pool dun. tas ang maganda dun. ang konti lang ng pumupunta at ang pinakamaganda dun. SOOOOOOBBBBRRRAAAAANNNNGGGGG mura! 25 lang kasi yung entrance fee. tas pag night swimming. 50. tas pag overnight ata 75. tas yung cottage 100. o ha? ayos noh! pumunta kami dun na ang dalang pera lang. e pambayad sa entrance. tas kala namin 25 lang babayad namin. e kaso aabutin na daw kami ng gabi kaya night na. doi. edi yun. labasan ng pera. buti tong pinsan at bunso kong kapatid may mga dalang pera. kaya yun. we survived!!! di ko dinala pera ko. tas pagdating dun. tong si ellaine. naninisi. bat daw di ko dinala pera ko. punyeta. parang kanya yung pera ko e noh. tsk. wala na nga kong pera e. mag uukay pa naman kami ni hanna. amp. tsk.

edi yun nga. andun na kami. di na kami kumuha ng cottage kasi okay lang naman. di naman namin kelangan yun. wala kaming dalang pagkain. pang entrance lang talaga tsaka damit na pamalit. ayos noh? halatang biglaan yun swimming. tsk. basta talaga gusto kong mangyare at ay susuporta sa gusto ko. mangyayare at mangyayare yun kahit wala akong pera. ayos ba? hehe. tas yun. buti nalang andun yung tita ng pinsan ko. ayos. tas may couples dun (g-g). ang sweet nila. kainggit. tsk. tas kakilala nila kami. kasi yung pinsan ko. inaalagaan niya. tita siya nung.... bago masabi yung family tree namin. kwento ko nalang yung mga nangyare.

di pa to kwento. intro palang to. tsk. joke. swimming agad kami pagdating dun. mga 2-3 hours kaming nagbabad sa tubig. nakipagharutan. nakipagkwentuhan at kung ano ano pa. yung tibo nga dun. napunta lang dun sa malalim na part yung gf niya. sabi ba naman.. 'oh? labs. wag ka diyan! nako baka malunod ka aba..' yung mukha niya yung tipong sobrang nagaalala. tas sabay punta agad dun sa gf niya. ang sweet niya promise.

hanggang sa umalis na sila. naka hug pa din siya. aww. may namiss tuloy ako. ampota..

takte. nagpapalaki at nagttrain ata kami ng mga LAMOK dito sa bahay. syet yan. pinapapak nanaman ako. tsk. sarap siguro ng dugo ko. suki ko na sila. gabi gabi nalang akong pinapapak. tsk.

sinigit ko lang yung tungkol sa lamok. di pa ko tapos magkwento tungkol sa swimming namin. hehe. tsk. bat ba? madaldal ako ngayon e! tsk. kelan ba naman naging hindi? tsk. grabe. 9 na pala. kala ko mga 7 palang. tsk. sabi sa inyo. hyper talaga ko ngayon e! ay nako. tong si katrina. ang sungit. magtetext na nga lang e. lagi pang may 'bwiset'. talaga nga naman o.. may seminar ba kung pano maging malambing? sama niyo nga yun pag meron. amp. teka. tuloy ko na.. nabibitin ako. dami kong nasisingit na kung ano-ano. tsk. to na.. ehem. yun. umayaw agad mag swimming yung mga kapatid ko tsaka yung isa kong pinsan. kami nalang dalawa nung pinsan ko natira dun. ang kkj kasi nila. mga piliiing. tsk. edi yun. nung nagbibihis na sila. nagtetext ako. tntry ko kasing itext yung nanay ko. kaso. wala na kong load. putek. ang hirap ng walang load noh?

tsk. tas yun. nandun lang ako sa may side ng pool. tas lumapit tong si manong negrong bakulaw na mukhang maniac. kinausap ako. unang hirit niya..

MNBNMM(manong negrong bakulaw na mukhang maniac): baka mabasa yan. sayang naman. anong oras na ba?
ako: ah. wala tong oras e.
MNBNMM: mga 5 na siguro HANE?
ako: siguro nga.

tapos tanong pa ng tanong ng kung ano-ano. kulang na lang. itanong yung pangalan ko. ampota. tas yun. pagkatapos nun. biglang dive. punyeta pasikat. doi. ang panget nun. promise. literal na bakulaw ang dating e. tas pagka dive. balik nanaman kung san ako nakaupo. leche. epal siya ha. tas yun. sunod na hirit.

MNBNMM: uso pa pala cellphone na nokia noh.
ako: (sa isip ko: tangina. sang bundok at tribo ka ba galing? doi.) oo(pakitang tao mode ako nung nakikipagusap ako sa kanya.).
MNBNMM: anong unit niyan?
ako: (sa isip ko ulit: tanginang tanga naman nito.) eto??? 3310.

tsk. nagulat ako dun sa sinabi niya. as in! may tao papalang di nakaka kilala sa NOKIA 3310. tanginang yann. leche yun.

ako: ha? bakit????????????????????????????????????????????????????
MNBNMM: wala lang. naiwan ko kasi SELLPOWN ko. sayang.
ako: (sa isip ko: naghahanap ka ng text mate? lunurin ko kaya pagmumukha mo diyan.) (muntik ko ng isagot sa kanya: anong koneksyon nun? bat kailangan mo pang tanungin number ko? bangag ka ba o sadyang adik lang?) (di na ko sumagot sa kanya.)
MNBNMM: globe?
ako: oo.
MNBNMM: ah. smart kasi ako e.
ako: (sa isip ko: syet. buti nalang. whew!) ah. globe to e. (nakahinga mode.)

tsk. pinainit niya ulo ko. tsk. tas yun. di na ko sumagot sa kanya. tas to pa.. to yung malupit! fc ampota.

MNBNMM: sige. dun na ko a. :D
ako: (tango lang..)

takte. hayop yung pagkakasmile e. kitang kita yung naninilaw at nauubos niyang ngipin na bulok. takte. panira talaga siya. leche. pagkatapos nun.

pinakain kami nung tita ng pinsan ko. tas umalis na sila. kaming 5 nalang nandun. tas kaming dalawa nalang ng pinsan ko yung nasa pool. tsk. tas yun.

mga 30 minutes kaming babad ng pinsan ko. hinihintay namin yung susundo sa min. e ang tagal. tas gustong gusto ng umalis ng pinsan at kapatid ko.

lagot na daw yung pinsan ko sa boipren niya. tsk. buti pa ko. walang ka-on. ayos noh? tsk.

buti nalang. aalis yung si manong. pinasakay niya kami tas hinatid dito sa bahay. kahiya hiya yung kapatid ko. ang panget mag usap. naaasar kasi siya sa kapatid kong bunso. takte. kinakahiya ko yun. langya. tsk. tas yun. alis na kami. umuwi ako ng basa. ayos. tas nung paalis na kami. aba. andun pala si manong negrong bakulaw na mukhang maniac. sumisitsit pa ampota. sana malunod siya. tsk.

pagdating dito. naligo na agad ako. tas dapat aalis kami ulit ng mga kapatid ko. kaso tong nanay ko. epal. tumawag dito. di na kami pinaalis. takte. sayang. ayos na ko e. amp.

tsk. yuuuuun. dito natatapos yung kwento ko sa swimming. whew. haba ba? di naman ata diba? tsk. dadaldal pa ko. wait lang. hinga lang ako a...

haaaaaaaaaaaaaaaaaaay!!

yung fineature sa MEL & JOEY. yung mga gusto ko. CARS tas BARTENDING!! takte yann.. gustong gusto ko talaga yun. as in. bata palang ako. yun na gusto ko.

BARTENDING. syet. sobrang tagal ko ng gustong matutunan yun. as in! last summer nga. naghanap na kami ng nanay ko ng seminar para dun.kaso. wala kaming nahanap. asssaaaaaar! san ba meron? may alam ka ba? sabihin mo naman sa kin kung san o. pleaase. tsk. ang astig kasi nung mga bartender e noh. sarap nilang panuorin. ang galing nilang magflair. astiiiiig. matututo din ako nun. swear!! magiging world great bartender din ako! tsk. promise talaga. amp.

CARS. sa cars naman. mga 4 palang ata ako. mahilig na ko sa cars e. impluwensiya sa kin ng tatay ko. kasi. dati. nung bata pa ko. lagi niya kong sinasama pag nagpapagawa siya ng sasakyan. tas yun. dream car ng tatay ko.. isang kotseng kuba, pagong na kotse o tinatawag na volkswagen beetle tas convertible.. tas sabi ko sa nanay ko. bili niya ko ng ganun. kahit panget. papagawa KO nalang. as if namang may pera ako e ko na tutuloy. baka miyak pa ko dito. tsk. yung vcd na yun. hanggang ngayon. nasakin pa. wala pang kagasgas gasgas. tapos yung pinaglagyan na plastic nun. dun parin nakalagay. tsk. adik e noh.. tsk.

ayy. ang ganda ng moon. tignan mo! bilis. full moon ngayon. syet.

haay. lam mo ba. masaya na kong makita yung full moon. pero sa tingin ko. mas masaya kung may kasama kong nakahiga sa kung saan. nakatitig lang sa buwan. gusto mo ba? tara. tayong dalawa. wag kang magalala. akong bahala sayo. basta't kasama mo ko. walang mangyayareng masama sayo. pprotektahan kita hanggang sa makakaya ko. at kung pwede sana. IKAW na nagbabasa nito. ang maging 'moon ko' na siyang magbibigay ng liwanag sa buhay ko..

yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!! to na yun. ayos ba? haba ata. sa tingin mo? pero parang ayos lang din e noh. hehe. tsk.

ayy. pagdasal niyo naman na sana makapasa ko bukas sa PHILSCA. dun sa aeronautics na school na papasukan ko. sana talaga makapasa ko dun. ayy.

di sana e. dapat. yun. dapat makapasa ko dun. syeet. dun nakasalalay ang future ko. ang maging pilot. tsk.

osige. bye na..;)



adik. bangag. sabog. blanko.. baliw!
22:30