Wednesday, April 11, 2007

ganyan talaga ang buhay..

haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay.

nakapagpaalam na ko ng maayos. sa tngin ko naman maayos na yun kahit papano. sisimulan ko na siyng kalimutan. sisimulan ko ng turuan yung sarili kong wag munang magmahal. haaaaay. ako din naman ang nahihirapan at nasasaktan. binibigyan ko lang ng problema ung sarili ko. ayoko na. pagod na ko. tama na siguro lahat ng yun.. tama na.

sa taong nagmamahal sa kin. na hindi ko alam kung hanggang ngayon ay mahal pa ko.. nasaktan kita.. sana mapatawad mo ko sa nagawa ko. di ko naman sinasadyang masaktan ka. patawad.. wala akong magagawa kung di mo ko mapapatawad. sorry talaga.. mahal kita. pero lam mo rin namang may nararamdaman pa ko kay ano. na di ko maintindihan kung bakit. kung bakit hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. kahit na ilang beses na niya kong nasaktan. kahit iniwan niya ko. siya pa rin.. haay. bumalik nanaman. haaaaaaaay. sorry kung di ko agad nasabi sayo na umaasa pa ko. sorry. pero ngayon. sasabihin ko sayo. wala na.. tapos na yung 'pag-asa' ko sa kanya. namura ko na siya. galit ako.. di sa kanya. di sayo. kundi sa sarili ko. wala akong kwenta. di sapat yung pagmamahal ko sayo.. sa pagmamahal na pinaparamdam mo sa kin. sorry. haaay. kelangan ko atang makapag-isa.. para maiyak ko lahat. para maibuhos ko lahat. pero di ko naman kaya. haaaaaaay. sana di mo ko makalimutan.. basta nandito lang ako lagi para sayo. kahit ano pang mangyare. haaay. salamat nga pala. salamat sa lahat lahat. lalo na sa mga selos na naramdaman ko sa mga chorva mo. salamat.. kung di dahil dun. di ko malalaman na di ko kaya pag nawala ka. pero ngayon? ewan. wala ka na. iniwan mo na rin ako. ayos lang. kaya ko namang tanggapin. kasi lam ko namang mangyayare yun. sorry talga. salamat sa lahat.. 'i love you'. (ang huling iloveyou na bibitawan ko sayo..). magtext ka lang kung kelangan mo ko..

haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay.

okay. tama na yang kadramahan. tapos na yan. unti-unti ko ng babaguhin ang lahat.

haaaay.

kakauwi ko lang dito sa bahay. galing kami sa pasay. aba. magkarhyme yun dai.

pumunta ko sa 'magiging' school 'ko'. oo. 'ko'. akin lang yun e. share nalang tayo. gusto mo? itutuloy ko na.. ehem. ang PHILIPPINE STATE COLLEGE of AERONAUTICS. kaninang umaga. nung fresh pa ang mga tao. nag tanong kami kung anong mangyayare at dapat mangyare kung ginusto kong magpilot. sa mga tanong naman namin. nabigyan naman yun ng kasagutan at talagang naliwanagan ako sa lahat. tapos sa dami ng tanong namin. mukhang gumanti yung sa student's affair. pinasulat dito. sulat doon. pinabayad dito. bayad doon. whew.

tas sakto. kuha na ko agad ng test.. 1hour lang yung test dun. grabehan noh. 3 subjects lang. tas 40 items each. um. 1st subject yung VERBAL REASONING.. madali lang siya. kaya kahit 20minutes lang natapos ko agad. tas sunod. MATH. takte. di ko natapos. 20mins lang kasi. tas lahat nun kelangang icompute. ampota. madali lang e. kulang lang talaga sa oras. 20mins ba naman e noh? kahibangan nga naman ng mga tiga dun. tas yun.. last subject namin yung ABSTRACT REASONING. 40 items din. at ang malupit.. 10minutes lang pinasagutan. oha? galing nila diba? 16 kaming nagtest. kahit isa. walang nakatapos dun sa lahat ng yun. takteng yan. ampota. tsk.

edi yun. after ng test. intayin daw namin yung result. ccheckan kasi nila. tas balik kami after 30mins. edi yun.. inintay namin.

tas tangina. kabado ako nun. kasi nga. di ko nasagutan lahat. kala ko. di na ko papasa e. tsk. tas yun.. isa-isa na kaming tinawag. tas. whew. nung ako na.. siyeet. pumasa ko!!!!!!!! wuhoooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! saya. may school na din ako. sa wakas!

edi yun nga. sabi nung nandun. kung kaya ko daw na hintayin yung test results ko. tas tatawagan nalang nila ko pag iinterviewhin na ko. tsk. e tong boyfriend ng nanay ko. umeeffort. nagpapakitang tao sa kin. kinausap yung nandun tas kung pwede daw ngayon na ko interviewhin. iyoon. pumayag naman. nainterview na ko. pero may isa pang interview. pag mageenroll na ko. iinterviewhin ulit ako nung dean ng school. oha! san ka pa.. magiging AERONAUTICAL ENGINEER na ko sa future. tas after 5 years.. magttraining ako para maging pilot. yeaboi!! tsk.

edi yun. after namin dun sa school. naghanap kami ng apartment tsaka mga boarding house. una naming nakita.. 6500/month. apartment type. tas yung pangalawa. boarding house. 1000/month. kasama na yung tubig at kuryente. tanginang mura aba. may ganun pala. tsk. tas tong nanay ko. parang nagustuhan na niya yun. at malamang dun na ko titira. tsk.

yung owner nung boarding house. naka kwentuhan ng nanay ko. syempre. sa daldal ba naman nito e. tsk. edi yun. sabi nung owner. yung kapatid niya. pilot na. tas kaya nakapagpilot. pumasok sa army. nakapagpilot sya ng libre. nice diba? kasi naman. 500000 yung fee para magtraining ng ILANG HOURS LANG dun sa clark pampanga.. pambili na yun ng kotse ampota. tsk. edi namroblema na nanay ko. tas yun. swerte. yung napuntahan naming boarding house. pilot yung kapatid..

after ko daw mag aeoronautical engineering. kukuha ako ng test para makapasok sa AIR FORCE. after nun. pag pumasa ko. magkakarank na daw ako dun. tas pwede pa kong magaral ng pilot ng libre. tas magkakasweldo. bahay. at kung ano-ano pang benefits ang makukuha ko. nice.. may future na ko!

tsk. tas yunn. after makipagkwentuhan ng nanay ko. uwi na kami. whew. ang init. feeling ko. exhausted na ko. nagffeeling lang ako. tsk.

ano kayang mangyayare sa buhay ko.. kahit nung bata pa ko. di ko naisip na sasabak ako sa pilot thingy na to. tsk.ang arte kasi ng nanay ko e. ayaw akong payagang mag civil engineering. namaan. wala daw akong pupuntahan dun. tsk. sama e noh? tsk.

haaaaaaay.

tama na nga to. wala na kong mailagay. haaaaaaay. dami ko palang load. gusto mo? pasa ko nalang sayo. text mo ko pag kelangan mo ng load. wala ng silbi phone ko e. wala na kong katext. kung gusto mo naman ng katext. sabihin mo nalang sa kin. willing akong dumaldal sayo. yun yun e! (gumaganun?) tsk. kamiss yan a.

ayy. sinong pwede sa ssaturday?? pahenna tayo. gusto mo? tara na!!

sige. bye na.:)


adik. bangag. sabog. blanko.. baliw!
17:31