whew talaga.
nagutom ako dun a. sa wakas. natapos ko na ding iedit tong layout ko. tapos na!:) ayos ba tol? tsk. to nalang kaya layout ko forever? joke. ang dali kong magsawa. bat ganon?? asar. yoko nga ng ganoooon.
ang dami kong ginawa kanina. di naman madami. pero. grabe a. napagod ako dun. simula kaninang umaga. hanggang ngayon. eto. di pa rin ako tulog. whew.
asar. wala akong load. naman. yung load ko ngayon -4.37. nays. san ka pa. may utang ako sa globe. adik e noh. pwede pala yun. kanina ko lang nadiscover. after 14 years. tsk.
bat ganun? lahat ng kachat ko. problemado. parang kanina lang. ako yung problemado. pero wala naman kasing mangyayare kung pproblemahin ko mga problema ko e. tatanga lang ako maghapon kung ganon gagawin ko. amp. gago na nga ko. tas magiging tanga pa? malas ko naman nun. lalo na kong nawalan ng silbi. tsk.
haaaay. kwento ko nangyare sa araw ko.. whew.
haaay. um. kanina. may futsal nanaman. syempre. saturday. punta ko sa school. kinuha yung good moral ko para sa PHILSCA. tas laro na. 10:30 na ko dumating sa school. takteng malas. hanggang 11 lang daw futsal. tama ba naman yun? pero nagextend kami. hanggang 11:30. bitin yung laro ko. amp.. bawi nalang ako next next week.. iyoon.
tas pumunta ko ng iconics. dapat magppost na ko kanina e. kaso wala ng oras. 1 hour ata ako dun. tas alis na ko. punta ng tikling para makipagkita kay KATRINA. tsk. last na ba yun? tsk. wala na e noh. di na tayo makakapagkita ulit.
haay. iyon nga. nagkita kami sa tikling. tas punta kami sa sta. lucia. bago kami bumaba. hiningi ko yung sukli kay manong bwiset na driver. sabi niya. naibigay niya na daw LAHAT ng sukli. e kung naibigay niya lahat. bat pa ko hihingi ng sukli kung ganon diba? para di ako mainis at mabadtrip ng tuluyan. hinayan ko na. kahit tipong P50 yung pamasahe mula tikling hanggang sta. lucia. katangahan ampota. ayaw umamin nung mga pasahero. edi fine. yoko ng makipagtalo. kasi. ayokong masira araw ko. edi yun nga. ayaw pa sanang bumaba ni katrina. pero wala naman kasing mangyayare kung kukunin ko ng sapilitan o makipagaway pa ko. kasi naman. sayang lang yung oras. e nagmamadali pa naman si katrina. punta pa kasi siya sa grad ng kapatid niya.
edi yun. punta na agad kami sa movie house. nanuod kami nung 'the chanting'. umm. um. yun lang masasabi ko sa movue na yun. pero ang ganda nung girl dun a. inperness. tsk.
after manuod. alis na agad. kasi naman. nagmamadali nga siya. ang tagal pa nung fx. kawawa naman o. tsk. tas nung nasa fx na!! ay syet. kawawa na ko!! ang pinagkakagat ako ni katrina!!='( sa left shoulder ko. takte. ang sakit. promise. parang yung kagat niya. ang katumbas 14 na kagat ni hanna. takte. may pasa na kaya!!! kaw kasi e. tas nung nasa tricycle na kami. wala talagang patawad!! sinulit yung shoulders ko. pati tong right shoulder ko. nakaranas ng kapootan. mas masakit yung sa right!! ang laki kaya nung pasa. tas hanggang ngayon. puro mark pa ng kagat mo to. huwaaa!='( wala kang patawad. huhuhuhuhuhu.. sakit talaga. tong right shoulder ko pinakamatindi yung hagupit na naramdaman ko e. wheew. syet yan. amp.
yun.. after akong pagkakagatin. umuwi na ko tas siya pumunta sa lores. dun sa grad ng kapatid niya. tas pagkatapos ng 1 hour ng pagtetext sa loob ng jeep. sa wakas. nakarating din ako sa bahay.
kain sandali. nakipagharutan sandali sa kapatid ko. nakipagkwentuhan pagkatapos. palit ng damit. alis nanaman. whew. pumunta ko dun sa grad ng pinsan ko. tsaka grad na din ng mga kabatch ko dun.
ang kulit nung pinsan ko na kasama ko. 'miracle' name niya. pero 'ake' tawag namin sa kanya. siguro 4 o 5 years old na yung bruhang yun. anyway.. (uyy. englis yun boi. asensado na ko.:) achievement to! syet.)yun nga. siya kasama ko tsaka yung tita ko hanggang matapos yung grad. grabe yung si ake. ang likot likot likot likot likot likot likot likot likot likot likot likot likot likot niya. as in. tas ang cute niya. kasi naka puff din buhok niya tas naka chucks pa. ayos noh. naka jeans shirt tas may bolero pa. fashionistang bata amp. edi yun. sa mga nakakatawang moment namin dun. ang pinakanatandaan ko.. sabi nung tita ko. kasama daw this school year, na kaka end lang, sa honors list yung si ake. pang 4th daw naman yun out of 6 students. >:) baliw. kulit e. tas most energetic daw yun. hehe. di na ko magtataka. wala talaga siyang kapaguran na bata. kung ano nong ginagawa. tas wala pang hiya sa mga tao. adik yun. pero grabe naman yun pag tinopak. ang hirap lokohin para lang tumino ulit. tsk. tas yun. may tinignan kaming class pic. yung class pic ng kuya niya. hehe. bata palang. nanlalait na. tinuro ba naman sa kin yung isang babae dun na nakapikit. sabi niya ang panget daw. hehe. tas may tinuro pang pic. ang gwapo daw. pagka kita ko. ex ko pala. adik. talaga nga naman. tsk. pumunta ko dun sa grad na yun para makita mga kabarkada ko dati. grabe. lahat ng kabarkada ko na kasama dati sa honors list. laglag!! mga nagpakapariwara sa buhay amp. tsk. ang laki ng mga pinagbago nila. lalo na yung isa kong kabarkada na di nagsasalita dati. ngayon. takteng ingay na. tas ang ganda niya aaah. kaya mainlab si tuteng e. tsk.
tas nung nagsspeech na yung valedictorian ng prep. ang kulit nun. hehe. kasi yung iba niyang classmate na nasa baba ng stage. ang gugulo nagmmake face sila. tas iyon. nagkatantrums siya. sabi niya pgktapos nung ilang sentence ng speech niya.. 'angelo naman kasi. ang likot mo. wag ka ngang malikot diyan angelo.' hehe. pinagalitan yung kaklase. naka mic pa yun a. hehe. ang kulit talaga. tas inulit niya yung speech niya. sa simula hanggang sa huli. nakasimangot siya. hehe. tas yung valedictorian naman dun sa grade 6. jokla amp. sagwa niyang magdeliver ng speech. as in! parang nagmamadali na ewan. tas habang nagsspeech yun. bigla akong kinalabit ng tita ko.pagharap ko sa kanya. yung itsura niya parang di makapaniwala tas sabay tanong nga 'bading?'. hehe. doi. obvious naman. pano kaya kung narinig nung parents nun yung pinaguusapan namin. hehe. adik. tas yung sa 4th year na speech. takte. sana di nalang nag speech e. di sila magandang magdeliver. sayang di ko napanuod magspeech si chin chin. yung cute na bata sa grade 6. ang ganda daw kasi nung pagkakadeliver nung speech. sabi ng tita ko. sana yun nalang daw nagspeech para sa lahat. hehe. may pinagmanahan naman pala si ake. hehe. tsk.
nakakaasar kaya dun. kasi. sandali ko lang nakita si JEAN MATTHEW DIAZ. oha. adik e noh? ang gwapo kaya nun. promise. mukha pang laging presentable yung ayos. kaso kanina. di maayos yung buhok niya kasi nga may cap. sayang.. di siya ganun kagwapo kanina. tsk. sa totoo lang. siya pinunta ko dun e. hehe. joke lang yun pero totoo. ulol. hehe. tsk.
natapos na yung grad ng mga 9:30. grabeng tagal aba.
tsk. tas after nun. kain kain tas uwi na. at ngayon. eto ako 1:35 am na. nagpipipindot pa dito sa keyboard. habang nilalasing yung mga lamok sa sarili kong dugo. ampota. kanina pa ko pinapapak ng lamok. syet yan.
tama na nga to. takteng haba na e. sige.. bye. whew.
MAGBALIKWala na ang dating pagtingin
Sawa na ba saking lambing
Wala ka namang dahilan
Ngunit bakit biglang nangiwan
Hindi na alam ang gagawin
Upang ika’y magbalik sakin
Ginawa ang lahat ngunit bakit
Ika’y biglang naghanap
Hindi magbabago
Pagmamahal sa iyo
Sana’y pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito
Tulad ng mundong hindi
Tumitigil sa pag-ikot
Pag ibig di mapapagod
Tulad ng ilog na hindi
Tumitigil sa pag agos
Pag ibig di matatapos
Alaala’y bumabalik
Mga panahong nasasabik
Sukdulang mukha ay
Laging nasa panaginip
Bakit biglang pinagpalit
Pagsasamaha’y tila nawaglit
Ang dating walang hanggan
Nagkaroon ng katapusan
TSK!