Sunday, April 01, 2007

summer na ata.

grabeng ineeeeeeeeeeet!!!

syet yan. bat ang init? siguro summer na noh? sa tingin mo? syet naman.

whew. kakatapos ko lang maka recover sa pag atake ng asthma ko. takte yan. ang init na nga. hinika pa ko. talaga nga naman o. ang hirap pa naman ng hinihika. parang nakikipaghabulan sa paghinga e. whew.

ang init talaga. di ko na makayanan to. whew. whoa. 2 na pala. ang bilis naman ata. niyaya kong magswimming mga pinsan ko. sabi ko punta sila dito ng 2:30. takte. ang bilis. 2 na agad. syet naman..

haaaaaay. oy! daya naman o. umalis agad. amp. gaganti ako sayo pag nagkita tayo. humanda ka na sa mga ngipin ko!!

may kkwento ko e. ano nga ba yun? takte. nawala sa isip ko. maya nalang. mag pprepare na muna ko. okay? bye.:)

ANGHEL

Mula nang makilala ka
Di na makapaniwala
Na kahit pa magka-iba
Tayo’y sadyang naging isa
Sa Langit ay ba’t kumalas
Nahulog ba mula ‘taas
Pak-pak mo ay pakibaklas
Nang magkasama ka ng mas madalas

Anghel sa lupa mananatili ka
Hindi na hahayaang lumipad at iwan ako
Anghel sa lupa nahuhumaling na
Langit nadarama pag kapiling kita

Sana’y di na lumisan pa
Di ko yata makakaya
Ang di ko na makita pa
Pagtitig mo sa ‘king mata
Naliligaw ba ng landas
Nariyan ka pa ba bukas
Pakpak mo ay pakibaklas
Nang makasama ka ng mas madalas

Anghel sa lupa mananatili ka
Hindi na hahayaang lumipad at iwan ako
Anghel sa lupa nahuhumaling na
Langit nadarama pag kapiling kita

Dapat ba sa isang mortal
Ang sa iyo ay magmahal

Anghel sa lupa mananatili ka
Hindi na hahayaang lumipad at iwan ako
Anghel sa lupa nahuhumaling na
Langit nadarama pag kapiling kita

Nais kong ialay ang buong buhay ko sa’yo

pakinggan mo yan. maganda siya.:)maya ko na nga lang ilagay yung pinaka song. ang kupad e. sige. bye ulit.:)


adik. bangag. sabog. blanko.. baliw!
14:04