kaibigan.. sabunutan tayo.. -boy abundat.
ako ay maglalahad ng maikling kwento. (parang maalalaala mo kaya ang drama e noh.)
ehem. eto na..
kakapanuod ko lang ng i-witness at kakatapos ko lang ding gumamit ng telepono. kumakain ako. habang nakikipagchikahan kay punggay. sa aking pagkakalkula.. tama ang term na ginamit ko?? basta. sa english. estimated na time.. okay? tuloy ko.. ehem.. sa aking pagkakakalkula, tumagal ang aming pag-uusap ng isang oras at kalahati pang oras. kumbaga 1hour at 30minutes. dahil sa ako'y namumulubi nanaman sa load. pinatawag ko nalang siya dito. minsan na nga lang magtext. napakatagal pang magreply. minsan na nga lang tumawag. text pa ng text habang kausap ako.. kaya tumagal ang paguusap namin. dahil text siya ng text.. nagdaramdam lang naman ako ng lagay na to.. joke.
sa natitirang siyam na piso kong load. eto. tinitipid ko. kelangan di lumagpas sa 2 sms ang bawat mensaheng issend ko. dahil sa ikalulugi ko yun at ikakamulubi ko ng tuluyan.
pinapaalala ko lang na tumatanggap ako ng donasyon na load. maawa kayo sa adik na katulad ko.. huling gabi ko ng magagamit tong bulok na kakaibang 3310 na to. dahil bukas mawawalan na ko ng phone. ibabalik ko na to.. mamimiss ko din to. matagal tagal din kaming nagsama. sa hirap.. hirap.. at higit sa lahat sa hirap na kahihiyang dala nito. mamimiss kong magamit ang isang matandang phone. paalam 3310.
tama na ang tungkol sa 3310. masyado ng naeexpose.. mahiyain pa naman ang 3310. antique na to. kaya kelangang pangalagaang mabuti. ehem. balik tayo sa usapan.. pagkatapos kong makipagusap. sakto. wala ng matinong mapapanuod. naisipan kong mag basag ng tenga. sa mas mabuting salita. ninais kong mag sound trip. lumabas ako ng kwarto. dumiretso dito sa computer para kunin ang speakers na magbibigay ng ingay sa tenga ko..
nang *huhugutin ko na ang *nakasaksak na speakers. napatingin ako bigla sa may kanang bahagi ng katawan. este.. ng sahig pala. may napansin akong parang mahaba.. kulay gray. na mas light yung kulay sa ibaba. lam mo na ba ang surpresang aking nakita? halos 13-15 inches ang haba nito. mga 2cm naman ang taba nito. payat lang at masyadong mahaba. dandananandanan.. drum roll po yan mga kaibigan. lagyan mo ng feelings ang pagbabasa para naman magising ka.. isa pang drum roll. dandananandanan!!! hey hey.. heypi birthday!! tsk. sinurpresa ako.. tago natin sya sa pangalang madulas na mahaba pero payat. ehem. may nakita akong AHAS!! putanginang ahas yan. excuse me po! nawala poise ko. wait.. ehem. iyon nga. nakakita ako ng ahas. agad kong ginising ang aming kasambahay para maging isang ulirang hero. sinabi ko sa kanya. na patayin niya yung ahas. agad naman siyang humaripas sa pagtayo at sabay tawag sa lolo ko. agad na kumuha ng pampatay si lolo kaya naman si ahas ay natepok ng di oras.
kawawa naman. di man lang nabigyan ng pagkakataong makatuklaw ng tao. tsktsk. sumalangit nawa ang kanyang lason na dala.. (sign of the cross..) hallelujah!! praise the Lord. ehem. nawawala nanaman ako sa sarili.. tsk.
dala ng pagkahibang. kakatira ng tambutso ng kotse. whoo. heben pare. try mo! daig mo pa ang nakatira ng ano!
sige na.. tapos na ang aking kwento. ating ipagdasal simadulas na mahaba pero payat ang aking bagong kaibigan na kakamatay lamang. dahil sa ako'y ginulantang niya.
bye.
*sa mga salitang aking ginamit. parental guidance lang po. sa mga mura. pasensya. dala lang po yan ng masindhing emosyon.. paalam po.