HAAY!
gusto kong sumigaw. kahit tapos na yung nangyare. gusto ko pang magwala. kahit wala ng patutunguhan pa. gusto kong MAS masaktan pa. para isumpa sa mundo. na tama na. huli na tong sakit na naramdaman ko. pagod na. pagod na kong masaktan sa mga nangyayare sa buhay ko. ano pa bang susunod dito? di pa ba ko mamatay? o talagang ganito nalang na. sa nangyayare sa kin ngayon na unti-unti akong pinapatay. kelangan ba bibiglain? nabibigla ako sa mga nangyayare sa kin. pero bat yung pagkamatay ko. di nalang din biglain? para naman wala ng paghihirap. tangina naman kasi e. tangina talaga.
bat ba kasi ako nagkakaganito? e di nga naman pala tayo. bat ako nagagalit? para san pa? bat ako naging ganun sa yo? e unang una sa lahat. di na tayo. bat kita napaiyak? e wala naman akong karapatan. bat ang tanga ko? bat ako nagago? naiintidihan mo ba kung bat ako nagkakaganito? dahil sayo. sana naman. ngayon alam mo na. alam mo na kung bat ako nag ganito. kung ano ba talagang pinagmulan nito. at sana ngayon. alam mong mahal kita at may paki ako sayo.
ayoko ng patagalin pa to. hanggang dito na lang siguro. lam kong mahal mo ko. sinabi mo nga yun at pinaramdam mo. pero sagot ko nga. bat simpleng di pagsama sa kanya. di mo pa magawa. bakit? siguro di mo alam kung bat ko sinabi yun. yoko ng maulit pa yung mga narinig ko sa iba. di ko na kasi lam gagawin ko pag may narinig pa ko. baka di ko na macontrol tong katinuan ko. magago ko sila. baka kung anong masabi nila sa kin. lalo kong di makapagpigil. lalo pang lalala. umiiwas na lang ako sa gulo. iniiwasan kong mapasabak ako. baka yun pa kasi ang maging dahilan ng pagkamatay ko.
kung ikaw walang paki sa iba. ako din ganun. pero kung IKAW ang pinaguusapang nila. putangina. patayan na. ano ko tanga? para hayaan na ganun ka nila. di ako makakapayag nun. di talaga! siguro kung sa kaibigan ko lang nangyare yun. balewala lang. e sayo nangyare. sa MAHAL KO pa talga nangyare e.
magtaka ka kung di ako magrereact sa MGA nalaman ko. magtaka ka kung di na ko magagalit sayo. magtaka ka kung nag iba ako. pero wag ka ng magtaka kung di man ako nagparamdam sa yo ngayon. tama lang siguro to. wag na muna tayong magtext. kasi nga. pareho lang tayong nasasaktan at nahihirapan na hindi naman dapat mangyare kasi di naman tayo.
wawakasan ko na to. paalam sayo. ayoko ng makita o malamang nasktan ka ng dahil sa kin. bsta pag may nanakit sayo. sabihin mo lang. andito lang ako. di ako mawawala sayo. dahil kahit mawala pa ko. kaw lang ang nagiisang hunnie bunch ko. doi ko. at nagiisang star ng buhay ko. salamat nalang sa lahat. lalo na sa pagmamahal na pinaramdam mo. salamat at sorry..
pano ba yan. huli na to. sana magawa ko tong mga sinasabi kong di na muna ko magpparamdam. sana matiis kita. sana tama to.
haay. paalam.