panibagong araw ng kboringan. kamusta naman yun? tsk.
napaaga yung gising ko. badtrip pa. lamo yun??? leche kasi.. tong ulirang kasambahay namin. penakelaman tong umaaribag 3310 na gamit ko ngayon. badtrip! wala na kong unlimited. wala pa kong load. nice. nagtext siya ng di nagpapaalam. at yung text niya umabot pa ng 2sms. kamusta naman yun. 0.40 na lang yung natititrang load ko. ampota.
di ko tuloy mareplyan tong si pareng bian. tsk. sana lang naman payagan ako e noh. para naman kay
ann kulit yun e. siguro naman papayagan ako. tsk. next week daw pupunta kami kila
marj. tuloy ba naman??? yun yung tanong dun e. plano ng plano tas di natutuloy. ampota! tsk.
bat ganooooooooooooooooooooooooooooon??? bat hanggang ngayon may so-called-sprain pa rin ako. naman. nung isang araw pa to e. yung tipong pagkagising ko. masakit na yung right ankle ko. tipong may nasipa ako na ewan. naman. ano ba yan. mas lumalala ata e. maghapon na nga lang akong nakaupo at nakahiga. nagka
sprain pa ko. naman talaga. pano na bukas?? may futsal ako tas may taekwondo. tas may
ann kulit pa. good luck nalang sa kin. tsk. bahala na si um... bahala na you a. tsk. lol.
tas tong nanay ko naman. punta daw kami sa tagaytay next week. yung nanay ko puro paasa. for sure di nanaman matutuloy yun. basta pag nanay ko nagsabi di yun tuloy! kaya dapat dun binibigla e. para masaya..
ang kulit nung nanay ko kagabi. nakatira ata e. ibang tira a!! tsk.
unang hirit:nay ko: (binasa yung wallpaper ko dito sa computer.) tensionado ako.. yan ang totoo. tensionado ka pa ba ng lagay na yan? puro pasarap na nga lang ginagawa mo e.
*sagwa naman ata ng 'nay ko'.. parang ano lang e noh.. .....ko? parang ganun lang. tsk.
ako: (dedma lang sa kanya. tuloy ang pagttype ng kung ano ano.)
pangalawang hirit:nay ko: anong pinapanuod mo?
ako: asian treasures.
nay ko: ano?
ako: asian treasures!
nay ko:ha? ano?
ako: asian treasures!!!!!!!!!!
nay ko:aah. island treasures. ang bingi mo.
ako: haay.
nay ko:kulit mo a.
pangatlong hirit:ako: mommy. anong fear mo?
nay ko: ummm.. ummm..
*after 1min na iniintay yung sagot niya..
nay ko: sa tubig. diba?
ako: aaah. onga pala. hydrophobia. ako sa balloons. globophobia.
nay ko: ah. yung tunog pag pumuputok.
ako: oo. pati pag nilalapit yung balloons. lalo na pag yung mga lobo balloons na lumilipad.
nay ko: aah. di ka pwedeng pilot!
ako: ha??!! anong koneksyon nun???
nay ko: syempre. balloons lang takot ka na. e ang airplane. lumilipad din. pano na?
ako: (ang corny ng nanay ko.. kanino kaya nagmana to?)
yaaaaaaaaaaan. kabaliwan niya. buti nalang may mga kapatid ako. kasi pag wala. ako lang kukulitin niya. baka mauna pa kong mabaliw sa kanya pag ganun. tsk. mahirap pala ng walang kapatid noh. pero pag nandito nman mga kapatid ko. pinapaaalis ko sila agad. adik lang talaga ko. tsk.
uuuuuuummmmmmmmmmm.. ano pa bang kkwento ko??? umm... sabihin mo nga kung ano. tsk.
gusto kong topic yung pagiging
ANTUKIN ko.
ehem. bat ba antukin ako?
kahit nga ako di ko lam kung anong dahilan e. lam ko dakilang tamad ako. kaya naman sumasabay pagiging antukin ko. tsk. kaya pag gabi. yung mga nakakatext ko. lagi kong natutulugan. namaaan. tsk. nung isang gabi nga. sabi nung katext ko. magttoothbrush tsaka maghihilamos lang siya.. iyon. di ko na namalayan na nakatulog na ko. saya. joke.
ngayon ko lang narealize na mahirap pala pag natulugan ka ng katext mo. kasi magiintay ka ng reply sa wala. tsk. adik talaga ko! ayoko din ng tinutulugan e. pero ako naman lagi yung nakakatulog. amp. pasensya. kaya dun sa mga nakakatext ko. tsk. antukin lang.. kaw naman.
naalala ko tuloy yung shinare na tips sa kin ng kapatid ko. eto yung scenario..
sa kwarto ko..ako: hoy. bat dito ka nanaman natulog???
kapatid: zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.. (hilik lang sagot niya.)
ako: HOY!!!!!!
kapatid: istorbo ka!! nananaginip na ko e!!
ako:ano??? kakahiga mo lang diyan a!! bilis naman.
kapatid:syempre. mabilis talga kong makatulog. gusto mo turuan kita kung pano makatulog ng mabilis..
ako:di ko na kelangan niyan antukin din ako tulad mo. pero sige nga. ano ba?
kapatid:ganito kasi yun. pikit ka. (sabay pikit siya. yung pikit niya yung parang 3/4 lang. gets? yung parang sinasapian lang.) tas isip ka ng gusto mong mapanaginipan. kunware nanunuod ka lang ng tv. tas palipat lipat ng channel. tas yun na.. di mo na namamalayan na tulog ka.
ako:aah.
kapatid: zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...
expert yung kapatid ko pagdating sa tulugan. ayos diba? saming tatlong magkakapatid. pinaka malupet yung bunso kong kapatid. ang bilis niyang makatulog. siguro mga 2mins lang tulog na siya. tas ang tagal niyang magising. kaya niyang matulog ng 16hours straight! sakit kaya sa katawan tsaka sa ulo nun. nagawa ko na yun e. nung nagsisimula palang ako mag adik. after nun. di ko na ginawa ulit. nadala kasi ako. tsk..
haaay. ano pa? wala na ata. pero gusto ko pang dumaldal e. naman..
maya na nga lang ulit. pag naalala ko. tsk. ge bye..