ewan ko.7:01 PM 5/2/2007
lamo ba kung anong nararamdaman ko ngayon?
ang puso at isipan ko ata ay umaayon.
di pa ako ganon kasaya.
lam ko yun dahil sa ako pa'y may pagdududa.
di ko lam kung mahal mo nga talaga ko.
o nagiging matigas lang ako.
nagbubulag-bulagan din siguro.
dahil sa mga aral na ikaw mismo nagturo.
aminado naman ako lahat sa mga nagawa ko noon.
kaya naman lahat ay pinagsisihan ko na hanggang ngayon.
madami ng nangyare sa ting dalawa.
pero kahit na ganun ikaw pa rin ang sinisigaw ng aking diwa.
minsan. sobrang galit ako sa sarili ko.
dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo.
nangungulila ako sa pagmamahal mo.
yan ang dahilan kung bat ako nagkakaganito.
di ko malaman kung ano ng mangyayare sa tin.
para bang wala ng pag-asa pa. kaya kelangan kong tiisin.
tiisin lahat ng pagdudusa. hirap. at pasakit.
lahat aakuin ko para lang may makamit.
makamit ang iyong pagmamahal.
ang pagmamahal na gumimbal.
gumimbal sa aking pagkatao.
pagkatao na biglang lumabas ang pagiging totoo.
ayos lang kung di mo na ko kayang tanggapin.
handa nanaman ako at yun ay nararapat naman sa akin.
pagod na rin naman kasi akong maghintay at umasa.
dahil sa matagal na rin akong umaasa sa wala.
wag kang magaalala.
dahil ikaw pa rin talaga.
wala ng iba pang mas mahalaga.
kundi ikaw lang ang nagiisang sinta.