whew. ang init. yoko ng sobrang init. yoko din naman ng sobrang lamig. ampota. mamamatay pa ata ako sa asthma ng lagay na to e. syet yan. wala pang nangyayare sa araw ko. at di na ko mageexpect na may mangyayare pa sa araw kong to. dapat kasi punta ko ng cavite. kaso yung tita ko. di na tumawag. baka umuwi na yun. tsk. kwento ko nalang nangyare sa kin kahapon... masaya ko kahapon na biglang hindi na lamo yun. parang malabo. parang lang. umpisahan ko na..
nung araw ng linggo. nagkachat kami ni
syl. nun na lang ulit kami nagkausap. nagkachikahan ng mga bagay bagay at ng kung ano ano pa. nagbalak kaming magkita kahapon (monday). tambay lang kami kung san tas kwentuhan to the maaaaaaaaaxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx. as in MAX!!!
natuloy yung balak naming dalawa. minsan lang naman may pumalpak sa mga usaping plano naming dalawa. bandang 9:30 ng umaga ng lunes. oras ng aking pag gising at pagkakaroon ng ulirat. unang una kong ginawa pagkatapos imulat ang mga mata. tinignan ang cellphone. at sakto. may message naman kahit papano. kasi naman. sa pagkakatanda ko. natulugan ko yung katext ko. edi yun nga. nanuod muna ako ng
detective conan. tas kumain. ligo. bihis. higa. nuod. mga pangkaraniwang gawain lang naman. tas sinubukan ko ng gisingin si
punggay. kasama din kasi siya. edi yun. mga 1:30 na ata niya naisipang gumising. tas pagkatapos ng ilang text. at pagkatapos kong ipamukha ng
very lite (linya ni
dana) sa kanya na ang tagal ng gumising. tumawag siya dito sa bahay. kala ko naman kung anong sasabihin. ang sinabi lang naman niya. kung ano daw suot ko at kung maliligo na daw ba siya o aalis na ko? yun lang. pagkatapos kong sagutin yung mga yun. naligo na siya. ako naman. nagintay sa text niya. namaaan.
mga 2:30 ata nung nagtext si
syl kung san na ko. sabi ko. bahay palang. tas yun nga. magkita nalang kami sa
seisha.
after 1 hour ng pagtitiis sa init ng jeep. usok ng mga sasakyan. ang alikabok ng daan. at higit sa lahat ang pagtitiis sa mabahong kapaligiran sa wakas. dumating din ako sa antipolo. pinuntahan ko si
punggay sa
ABC (dun sa badminton court). kasama sila
dana at
geline. magbabadminton pala silang dalawa kasama si
sheena. pagdating dun. tinext ko na agad si
syl kung asan siya. sakto sa 7-11 na daw siya. pinapunta ko na siya dun para sabay sabay na kaming pumunta sa
seisha. ang sosyal na ng
seisha. nandun na sa may side ng
max's. naging parang totoong coffee shop na e. lumaki na yung place tas basta. maganda na. yun na yun!
pagdating dun. tambay lang. kwento kwento. yosi yosi. kain kain. laro ng cards. inom ng tubig. yosi yosi. tas yosi yosi ulit. sila yung nagyosi. courtesy of
syl. naka isang kaha ng
dunhill frost tas yung kalahati pa ata. ang adik kasi ni
syl. daming stock sa kotse niya. tsk. halos mga 1 hour na kami dun nung dumating si
sheena. sabi nila
punggay hanggang 5pm lang daw sila. kamusta naman. 4pm na dumating si
sheena tas nagbadminton pa sila. nice. umalis si
dana. geline. at
sheena. para maglaro. tas kaming tatlo yung natira dun. syempre. walang katapusang kwento at yosi! ampota. maghapong nagyosi yung mga yun. tsk. sunog baga e noh?
tas yun. sabi ko. gusto kong matry yung
seisha flavored smoke. edi go naman. ng tagal iprepare. hanggang sa dumating na sila
dana.
habang iniintay yung smoke. kung ano anong kaflirtan ang ginagawa naming dalawa ni
dana. HAHAHAHAHAHA. at kung ano ano ng pinaplano. balak na magroadtrip kaming anim sa tagaytay. tas magsswimming din. tas kung ano ano pa. at ang malupeeet. ayaw pa naming umuwing lahat. kaso sila
punggay kelangan ng umuwi. tas sabi namin. tambay muna kila
dana kasi di naman kami pwede ni
sheena sa bahay nila
punggay. kaya yun. biglang ayos na yung
seisha flavored smoke. strawberry yung flavor na kinuha namin. parang dj mix lang ang lasa. tas grabe. kelangan mong higupin ng malakas para mafeel mong nagssmoke ka na. tsk. di mo mafefeel kasi e. parang wala lang. kung nagssmoke ka tulad namin. parang nag aksaya lang ng pera. pero nung pagtagal. ayos naman. masaya. masarap at kaadik.
habang nagsusunog baga kaming anim sa
seisha. nagkayayaan ng magswimming. dapat ngayon yung swimming. kaso di na ko pwede tsaka si
dana. kaya binalak namin na mag night swimming sa cottonwoods. ayos. wala sa plano yun. pinagpaalam ni
syl sila
punggay. 1 hour ata bago pumayag. grabe. ang daming nangyare nung 1hour na yun.. eto kwento ko pa. ganado ko e. parang nakatira lang.
una. di pinayagan sila
punggay. ang ginawa nila pumunta sila sa daddy niya para dun magpaalam. kaming tatlo nila
dana at
sheena. napagtripan na sumunod dun sa kanila. amp. dala namin. isang motor na di na kelangan ng susi. basta kahit ano. pwede na. tapos wala yung side mirrors. walang ilaw. kahit signal light wala. at wala pang busina. kamusta naman. buti umandar pa e noh. edi go kami sa bayan. ako nagdrive. tas ang angkas ko. dalawa. nice diba? over loaded na. walang nakahelmet sa min. wala pang rehistro yung motor at higit sa lahat wala akong lisensya. tibay naming tatlo. dahil sa takot kaming mahuli ng pulis. dahil sa lagay na yun. ampota. di na ko magtataka kung mahuli kami.
sa kabutihang palad. di naman kami nahuli. pero sa kasamaang palad. syet mehn.
NAKABUNDOL ako ng isang inosenteng bata sa may eskenita. kawawa naman. wala kaming ilaw ni busina. kaya naman. di niya kami nakita. bigla siyang gumitna. kaya sorry siya. buti nalang. di ganun kabilis takbo nung motor at higit sa lahat. buti nalang. nakatayo pa yung bata ng walang dugo!! e tong mga angkas ko. may pagka mga nerbyosa. kaya wala na kaming nagawa kundi tumakbo at umalis. tas nung nandun na kami malapit sa shopwise. naisipan namin na intayin na lang sila sa shopwise. sila
dana. bumaba na sa may kanto para pumunta sa shopwise. at ako. umikot pa ko para tignan kung andun sa talyer sila
syl. kaso di ko naman nakita. buti nalang. ginabayan pa ko ni Lord. nakarating ako sa shopwise ng buo. walang sugat pero puro grease naman yung damit at kamay ko. kamusta naman yun. good bye nalang dun sa particles ko na shirt. ampota. 350 din yun a. namaan.
edi. nagintay kaming tatlo sa shopwise. nakita ko pa dun si
karola at ang aking pare na si
bian. ang kulit ni
bian. binunggo pa ko. amp. wala talagang kupas yun. tsk.
habang iniintay namin sila. dapat mangttrip kaming tatlo. kukuha kami ng cart tas kukuha ng kahit anong gusto namin. kaso. napatigil kami dun sa sales lady na nagbibigay ng free taste tequilla. kaya naman. kaming tatlo. napatagay ng wala sa oras. humahagod pare. sarap nga e. 192 pesos lang. mura na. sarap pa. kaya bili na!
tas pagkatapos naming tumagay. biglang dumating si
punggay. di namin natuloy yung pang ttrip namin. sayang naman. kami nalang ni
dana yung nagstroll sa antipolo. at grabe. natiis ko yung maingay at nerbyosang dana.:)
tas punta na kami sa bahay ni
dana para dun intayin sila
punggay. amp. hanggan 10:30 lang daw sila. kamusta naman. 8 na kami nakaalis. tsk.
pero ayos naman. sulit yung gabi. namili pa kami ni
dana ng kung ano ano. nice. grabe kabondingan naming dalawa nung araw na yun. edi yun. nauna na sa clubhouse sila
punggay. si
syl. umuwi muna siya. tas yun. sa clubhouse. wala kaming ginawa kundi kumain. yosi. swimming. kain. yosi. swimming. kwento. kain. kwento. kain. yosi. yosi. yosi. at yosi pa rin. tas swimming na ulit. tas sweet sweet. paeffect na parang kami ulit. yun yun e!!
tas mga 10 na kami umalis sa clubhouse. kasi kelangan na ring umuwi nila
punggay. sa loob ng kotse. tinanong ko si
punggay. alam na.. yun na. at ang sagot niya. 'ngayon?'. ampota. kelan niya ba gusto?? next week? next year? o next life. ampota. bahala nga siya. nakakaasar talaga yun. puro paasa.
ay ewan. yoko na ngang pagusapan yung babaeng yun. joke. tas nung magkaaway kami sa text kagabi. kung ano anong sinasabi. tas sabi pa. 'sa totoo lang. gusto kitang balikan'. ampota. pagkatpos kong magdrama sa knya. ano yun? awa. ulol. bahala na talga yun. joke ulit. asa naman ako.
haaaaay. yan na yun. basta yung araw ko kahapon. masaya na biglang sumakit. lamo yun? okay na e. nandun na ko sa kaibuturn ng kasiyahan ko, tas biglang?? wow.
sana maulit ulit yung ginawa naming anim.
kanina. nung nanunuod ako ng
on the spot sa eat bulaga. yung last number. sabi ko. 'pag22 yan. magiging kami ulit.'. tas sakto. pagkasabi na pagkasabi ko. syet. 22 nga. kamusta naman!!! lintak yan.
sige na. bye. whew. haay.