MOON?(9:35 PM 4/13/2007)
natitigan mo na ba ang kalangitan?
tuwing ito'y balot sa kadiliman,
makikita mo lamang ang magagandang bituin
kumikislap-kislap tila kay sarap abutin.
bituin lamang yang mga naaaninag mo,
pano pa kung may BUWAN na nagbibigay liwanag ng gabi mo?
napagmasdan mo na bang mabuti yang buwan?
ng hugis nito'y parang PERPEKTONG bilugan.
saktong pag ako'y PAGOD at MASAYA,
bigla kong napapansin ang liwanag na dala,
nagdadagdag saya, sabat tanggal ng pagod,
ano pa bang mahihiling ko ngayong wala na ang
pagod?
teka lang. nahihibang na ata ako,
di naman ako pagod, lalong di ako masaya,
nasan na ba ang
buwan na gusto kong mahagkan?
bat parang di ko na nakikita at nasusulyapan?
pati ba naman buwan, ako ay nilisan na?
pano na ang pangarap na
lumigaya?
wala na ba akong pag-asa?
pag-asang mahanap at makita ang
aking buwan?
malungkot ako parang kalangitan,
walang bituin, buwan o kahit ano man,
itinuturing kong ako ay tulad ng kalangitan,
dahl sa ngayon ako'y nababalot sa
KADILIMAN.
pwede bang matawag kitang
buwanna magbibigay liwanag at saya sa aking sangkatauhan?
kahit panandalian o ngayon lang,
ako ay
DESPERADANG sumaya na parang mangmang.
nangangailangan ako ng TAONG parang
buwan,
may kakilala ka bang taong parang
bituin kung makipagsabayan?
kung wala, ako nalang mismo ang maghahanap,
baka nandiyan lang yun sa
RIZAL, masaya na sa kanyang ulap.
**********************************************************
ayoko ng umiyak.
(8:40 PM 12/27/2006)
sa tuwing siya'y naiisip,
mga matang nakatakip,
ang bigla-bigla na lang luluha,
na tila may nangyaring malubha.
kailangan kong kayanin,
mga problemang dapat pasanin,
kahit wala na ang mahal ko,
dapat ako'y matatag at magbago.
sa loob ko, di ko talaga kaya,
ang pakawalan siya,
kaso, sa kin ay di na siya magiging masaya,
wala na kong magagawa kundi palayain siya.
sakit at hirap ang tanging nararamdaman,
kaya't ako ngayon ay luhaan ng lubusan,
ngayon, kelangan ko na talagang simulan,
ang buhay na para sa kin ay wala ng kabuluhan.
sana paglipas ng mga oras,
ako'y di mo makalimutan kasabay ng pagaspas,
maghihintay ako sa'yo kahit gano pa katagal,
kahit na ang oras para sa kin ngayon ay napakabagal.
sa bawat gabing nagdadaan,
patindi ng patindi itong aking nararamdaman,
hirap namang pigilan,
dahil sa mas lalo lang akong nasasaktan.
kailangang siyang unti-unti ko ng kalimutan,
para hirap at sakit ay tuluyan ng maibsan,
ngunit sinisigurado kong ako'y mahihirapan,
dahil mismong isip at puso ko'y sinisigaw ang kanyang pangalan.
**********************************************************
bat kaya sobrang init noh??
naman..
haay.
tagal ko atang di nakapagpost.. ata lang naman.
naubusan kasi ako ng internet card. kaya yan. e wala naman ako pera. di ako makabili. tsk. kawawa na ko a. tsk.
haaaaaaaaaay. syet yan. grabeg init talaga o. whew!
wala ng kwenta tong phone ko. kamusta naman yun? tsk. tagal ko ng di nakakapag unlimited. kasi naman. wala akong katext. bat pa ko magloload. doi. tsk. magpapalit nanaman ata ako ng number. adik e noh? tsk. sayang yung isa kong sim. bago pa naman yun. di ko na lam kung san napunta. tsk.
takte. nawawala yung mga pinaghirapan kong tula. syet. nasan na kaya yun? naman.. dugo't pawis pa naman yun. tsk.
may naka sun pa ngayon? kasi naman e.. kung magssun ako. sino namang makakatext ko dun? tas kung globe. doi. wala naman akong katext. sa smart. lalo na. tsk. wag na lang kaya akong magphone.. naman kasi. yung nagpahiram sa kin. di pa bumabalik. yan tuloy. tsk. tibay ng battery ng phone ko. 3days na kong di nagccharge. nice. tas ngayon na lang ulit ako nakapag computer. aba.. tipid ako ngayon sa kuryente. tsk..
walang magawa. buhay batugan lang ako dito sa bahay. pag saturday lang may nangyayare sa buhay ko. tama ba yun? asar talaga. ampota.
haaay.
tama na nga to. katamad e.
haaaaaaaay.
may namimiss ako. takte. namimiss ko ng magtaekwondo!! namann.. tsk. joke lang yan..
OY! miss na kita. promise.bat ganon????????????? bat parang naamoy ko si ano??? adik ka mich? oo ata.
bye na nga..
I need to share every breath with you..
I need to know I can see you smiling each morning..
look into your eyes each night..
for the rest of my life..
ayyyyyyyyyyy. teka. sakit nun a!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! haaaaaay. syet yan!! tangina!! leche. punyeta. lahat na. fuck.